Featured post

The rise of Super Mokong: Ang batang mokong

The rise of Super Mokong: Ang batang mokong

Gapiin ang kaaway. ‘Yan daw ang pangarap ng soon to rise super mokong.

Sunod-sunod ang masasamang balita, hindi lang sa Pilipinas, ngunit maging sa ibang panig ng mundo. Kung iisa-sahin nga ay malaking kita ang ipapanhik sa mga malalaking production ng series sa mundo ng telebisyon at pelikula.

Sigurado ngang ang mga pangyayari sa mga sikat na bansa ay manganganak nanaman ng mga kuwento ng heroes at martir. Ang matindi ay pagkakakitaan nanaman ito ng hollywood .

Habang nag-iisip si Mokong ng diskarte kung paano siya makakatulong sa mga nabiktima ng mga halimaw ay magbabalik-tanaw ang kuwento sa pagkabata ni Mokong.

Heroes aren’t born, they are made at gayundin ang mga villains. Marami ngang pagkakatulad ang pagkabata ni Mokong sa mga pinagdaanan ng mga fictional na superheroes.  Ipinanganak sa isang lipunang binubuo ng mga heroes at villains. Nakatira sa isang simple at komplikadong komunidad na may mga komplikadong tao.  Unti-unti ang pagdiskubre sa kaniyang mga powers.

Bata pa nuon si Mokong nang masalubong niya ang isa sa mga matitinding villains.

Hindi mawari ni Mokong kung bakit kakaiba siya sa mga bata nuon. Pinalaki siyang mala-Harry Potter na hindi pwedeng makipaglaro sa labas.  Ikinukulong sa bahay at palaging kinakatulong sa gawaing bahay ng kaniyang lola.

Madalas ay nakadungaw sa malaking bintana sa 2nd floor ng lumang bahay si Mokong. Tanaw ang mga batang naglalaro sa kalye sa labas. Ang bahay nila ay isa sa mangilan-ngilan na lang na lumang bahay sa gitna ng siyudad.

Dahil dito ay napagbihasaan ni Mokong ang kaniyang unang power, ang imahinasyon. Dinadala si Mokong ng powers niyang ito sa labas nang hindi napupuna ng kaniyang lola.  Nakukuha pa nga niyang maglakbay sa pamamagitan ng paglipad ng hindi nadi-detect ng immigration. Nakakapasok siya sa mga banyo ng kapitbahay ng hindi napupuna ng sinumang naliligong kaniyang nais mabosohan.

Ngunit dahil din dito ay ma-a-attract niya ang isa sa mga masasagupa niyang kalaban.

Inutusang mag-florwax nuon ng kahoy na sahig si Mokong ng kaniyang lola.  Napapakintab niya itong madalas.  Hindi niya ito ikinaasar o ikinapapagod.  Ang gawi niya kasi ay gamitin ang kaniyang secret weapon. Ang kaniyang hindi maintindihan kung kotse o spaceship na sasakyan. At gawing laro ang pag-pu-florwax.

Jpeg

Naimbento ni Mokong ang spaceship o sasakyan na ito mula sa upuang kahoy na may kataasan at kabigatan. Dito ata inspired yung mga monoblock na walang sandalan. Ewan kung tama, ang tawag ata sa ingles rito ay stool.

Ihihiga niya ang upuan sa ibabaw ng malapad na basahang mula sa mga sirang lumang T-Shirt. Nandiyang itulak niya ito nang pabalikbalik na parang kariton, habang naglalakbay sa malayong lugar ang imahinasyon.

Sa biyahe nga niyang ito ay narating niya ang northpole.  Para kasing sleigh ang kaniyang spaceship kaya akma ito sa nagyeyelong ilog sa lugar na ito.  Sumakay siya dito at nagpaikot-ikot.  Tahimik at magaan sa pakiramdam. Dito rin niya natutunang kumanta. Habang nagpapadulas sakay sa kaniyang spaceship sinasabayan niya ng pagkanta ng jingle bells nang  paroot-parito rin sa chorus dahil yun lang ang kaniyang kabisado at kahit hindi pa pasko.

Hindi namalayan ni Mokong ang pagtawag ng kaniyang lola sa ibaba. Pasigaw. Highblood agad. ‘Yun para bang hindi pa man ay high pitch agad dahil alam na ng matanda na hindi siya agad pakikinggan ng apong si Mokong.

Ilang ulit pa siya nitong tinawag, kaya naman pumanhik na ito upang sugurin si Mokong.

Natigilan si Mokong sa pag-jingle bells nang maulinigan niya ang isang malakas na sigaw mula sa itaas ng nagyeyelong bundok. Dinig ito dahil tahimik ang kapaligiran.  Papalakas ang sigaw.  Sa sobrang lakas ay hindi niya ito maintindihan. Sa sobrang lakas ay nayayanig ang paligid, nabibitak ang yelo sa kaniyang paanan.

Samantala ang Lola ni Mokong na sa taba ay parang sumo wrestler, dahil sa hilig nito sa pagkain, ay nakatayo sa di kalayuan sa kinalalagyan niya. Nakuha nito ang pansin nang natigalgal na si Mokong.  Ngunit hindi ito ang may ari ng papalakas na tinig. Sigurado siya.

JpegKitang kita niya ang Lola sa kaliwang bahagi ng nagyeyelong ilog. Nag-aapoy ito sa galit sa kaniya habang sa taas ng bundok ay may nilalang na papalapit, ang may-ari ng sigaw.

Lalapit na nuon ang kaniyang Lola sa kaniya at alam niyang pipingutin siya nito.  Gusto niya itong pigilin hindi dahil sa akmang pamimingot nito, ngunit dahil sa nararamdamang takot sa paparating na nilalang na sumisigaw mula sa bundok. Gusto niyang iligtas ang matanda mula sa nararamdaman niyang panganib na dala ng nilalang mula sa nagyeyelong bundok.

Agad niyang itinulak ang kaniyang spaceship papunta sa matanda.  Ipinuwesto niya ito sa likod ng matanda, at mabilis na itinulak na ikinasadalak ng lola paupo rito. Lalo itong ikinagalit ng nagulat na matanda.  Akala niya ay pinagti-tripan siya ni Mokong, kawalang galang sa kaniya na siyang nag-aruga at kumopkop rito.

Mabilis itong itinulak papalayo ng batang si Mokong upang maiwasan ang nakakatakot na nilalang na paparating. Agad silang nakabalik sa kanilang bahay na parang gumamit ng time machine.

Ngunit mas mabilis ang nilalang sa kaniya.  Wala pa siyang power na speed. Kaya naman ilang iglap lang ay nasa harapan na nila ito at nakaharang, sumama sa kanilang bahay ang nilalang.

Bumalikwas sa pagkaksadlak sa maliit na spaceship ang lola ni Mokong na ngayon ay nagbalik na sa dating anyo kasama ng lahat. Hinarap siya nito. Kitang kita ang galit sa nanlilisik nitong mga mata. Bastos kang bata ka, walang modo, walang galang! Ang mga sumunod na nasabi nito ngunit ang ipinagtataka niya ay hindi nito nakikita ang nilalang na humarang sa kanila at nasa likod lang nito.

Kitang kita ni Mokong ang maitim na nilalang na nababalot ng puti at gulagulanit na coat na may hood.  Mabilis ito kumilos at sumapi sa kaniyang lola.  Nagbitiw ng malakas na tinig ang matanda, nakakabingi at hindi maintindihan.  Napatakip na lamang ng tenga ang batang si Mokong at nasadlak sa pinakikintab na sahig.  Kaya naman hindi na siya nakaiwas nang dakmain siya nito.

Gapiin ang kaaway. Nakilala na ni Mokong ang unang villain sa buhay niya bilang batang Mokong. Kakayanin kaya niya ang may-ari ng nakabibinging tinig? Paano niya ito gagapiin kung sa minamahal niyang lola ito sumapi? Abangan ang kasunod…

Featured post

The Rise of Super Mokong

The Rise of Super Mokong

From among the mokongs of the world, he will rise…

 

SM copy“Basta para sa amin mabuti kang tao…” isang pangungusap mula sa isang kaibigan na agad dumurog sa lahat ng masasakit na paninirang naririnig niya mula sa matatabil ang dila. Silang mga Lolit Solis sa mundo na iniikutan niya, mga taong kung may katumbas na pera ang panlilibak ay siguradong nilagpasan na ang pinakamayaman sa bansa ng mga mokong, silang mga kuwan… na kung ang kayabangan ay katumbas ng boto ay siguradong panalo na sa pagka-presidente. Kung baligtad ang kasabihan na ang mayayabang ang kinukuha ni Lord, ay mapupuno ang langit at mag-ooverload ang listahan ni San Pedro at sila nga ang mangunguna.

Madali ngang nagpadala sa pakana ang ating bida. Hindi na nga niya napansin na siya mismo ay bumuga na rin ng maaanghang na salita, samantalang hindi naman siya mahilig sa masiling pagkain. Singbaho na ng imburnal ang kaniyang bibig, samantalang maalaga naman sa pagsesepilyo. Kaya pala siya ay nabubulok narin at umaalingasaw na sa pagkahumaling sa inis at mababahong salita. Unti-unti na siyang nagbabago.

May mga super powers ang mga nilalang na ito. Kaya nagmimistulang salpukan ng mga karakter sa DC o kaya ay sa komiks ang eksena. Kaniya-kaniyang gamit ng powers upang mapabagsak ang iba.

Sinu-sino nga ba ang mga matatabil ang dilang ito na kinaya siyang patalunin sa kanilang patibong?

Ang isa ay itago natin sa pangalang Julian Walang Caharian.  Si Julian Walang Caharian ay nagkalat sa paligid.  Isang villain na astang superhero, may lantad na powers sa lahat at hindi nangingimi. Ang kapangyarihan niya mismo ang kaniyang kahinaan. Dinadaan sa ingay ang pagyayabang, daldal ang kaniyang ultimate weapon at sa pagdu-drawing siya expert. Siya ang tipong mangunguna upang umaangat sa iba. Siya ang tulad ng kung bumangka sa usapan ay gumagamit ng invisible boat na maaring nahiram kay Wonder woman.

Nandiyan din si Isay Walang Saysay.  Ang kapangyarihan niya ay hatakin ka sa walang kasaysayang mga bagay. Pahihinain ka niya sa pamamagitan ng pagpapanggap na katangahan. Gumagamit din siya ng ganda at karismang hungkag. Ang nais niya ay mawalan ka ng kwenta upang matulad ka sa kaniya. Walang powers na makalipad ngunit mahusay magpasakay sa kaniyang motorsiklong inarbor kay Bat Girl.

Isa pa ay si Elsang Walang Himala. Isa siyang banshee na bingi.  Sa lakas ng kapangyarihan niya ay kinaya niyang mabingi maging ang sarili.  Katulad ni Julian Walang Caharian, sila ay dumidepensa sa pamamagitan ng powers ng astang hindi naman kayang panindigan. Madalas din bumangka sa pamamagitan ng invisible boat ngunit nagmamala-Isay Walang Saysay sa katangahan. Sa katunayan siya na lang ang hindi nakakaalam na sila ay magkamaganak ni Isay.

Super Mokong copyMarami pang nakilala si Mokong sa kaniyang adventure. Ang walang kuwentang kuwentong ito ay tungkol sa maaksiyong pagtatagpo at kung paano niyang sinubukang gapiin ang mga mokong na villain na ito.

“Basta para sa amin mabuti kang tao…” umalingawngaw ito sa bao ng ulo ni Mokong habang nag-iisip ng pangontra sa nakatakdang pakikipagsapalaran at pakikidigma niya sa mga tulad nila, Julian Walang Caharian-ang hari ng sablay, Isay Walang Saysay-ang reyna ng pagtatangatangahan at Elsang Walang Himala-ang bansheeng bingengot.

Abangan ang kasunod…

 

Featured post

Sa isang iglap ako’y napatula

Sa isang iglap ako’y napatula
Naglambing ang mga letra ng katha
Kinilig ang tuldok, kuwit ay nagtangka
Pananong ay umastang padamdam
Sa kudlit ng pusong tila nabigla

Sa isang iglap nagdikit ang mga patlang
Ng mga panaguring sa simuno ay akala ko’y ikaw
Nangusap ang isip, sa payak na tambalan
Tangkang maglandi, makipagharutan
Ng mga ngiti sa pangangahulugan.

Sa isang iglap ako’y napasulat
Ng liham na singhaba ng kalungkutan
ikaw ang pamuhatan, ng muntikang kahangalan
Sa kuwentong walang singtamis ng pagpapanggap
bating panimulang, bating winakasan

Kaya naman sa isang iglap din ako’y napatula
Naghalo ang taludturan ng mga pang-uuyam
Ang langit ay sukat sa hinalang tugma
Astang pagwawangis, tayutay na labis
Akalang pagtatangi’y pagtutulad pala

sa pagsintang walang kapag-a-pag-asa…

Featured post

Kontrol

 

Sa larawang ito na kinunan ko mula sa bintana ng eroplano sa isa sa mga biyahe ko, aakalain kong ako ang may kontrol sa lahat. Ngunit ang totoo, hindi. Ang kontrolado ko ay ang mga iniisip ko at hindi ang lahat nang ito.

Nagising ka na lang isang araw na marami ka na palang nasasaktan. Ang pinipilit mo, na parang kinukumbinsi mo pa ang sarili ay hindi ikaw yon. Hindi mo ugaling makapanakit o sadyang manakit ng damdamin.

Naisip mo rin na kapag hindi mo pa ito tinigilan ay maging ang mga mabubuting tao na malapit sa iyo ay magagalit na rin at mababaligtad ang lahat. Ikaw na ang nakakaasaran, ikaw na ang nakakabwisitan, ikaw na ang mga taong inaayawan mo.

Mabuti na lang at agad mong napansin ang pagiging mainisin mo nitong mga nakakaraang araw. Kung paanong sa iyong mga inuman sessions kasama ang mga kaibigan ay pinupulutan mo ang pagkayamot, binibidyoke mo ang galit at bina-bucket ang pagiging bayolente.

Minsan mas madaling sabihin kaysa gawin na manggugulo ka. Pero dahil nadi-dare ka ng ispirito ng alak, baka magulat ka na lang na nagawa mo na. Lalo’t kapag nasapian ka na ng bulkang Mayon na biglang sumasabog at nagluluwa ng mga lavang makakapanakit ng iba. Pagsisisihan mo din naman sa huli. Hindi ba’t mas Masaya kung ang sasapi sa iyo ay Sto. Nino o kaya higante sa tuwing mag-bibidyooke kayo, katulad ng kulitan ninyong magkakatropa.

Hanggang ganito ka, palabo nang palabo ang lahat. Hanggang hindi ka na nila nauunawaan sa huli ay maaring bumitaw ang yong mga kaibigan sa pagsuporta sa iyo.

Nais mo kamong tigilan na ang kahunghangang ito. I-ending na ang teleserye ng pagwawala. I-re-launch ang teleseryeng hindi ikaw ang kontrabida. Isang mala-game of thrones na kung saan ay ikaw ang tauhang malugod na susubaybayan ng iyong mga manunuod at ikatutuwa nila ang husay ng kuwento at pagkakalikha. At pagkukwentuhan nila ang episode nang nakangiti at may aral na maganda at excited na mag-aabang sa iyong susunod na kabanata.

Tama. Simulan mo sa pag-amin sa iyong pagkakamali. Hindi dapat isisi sa iba ang gulong ikaw naman ang may gawa. Hindi mo rin naman dapat sisihin ang sarili. Kailangang lang ng isang pag-amin sa sarili na ang layunin ay makaisip ng solusyon sa ‘yong issues. Pag-amin upang maibsan ang pagkayamot sa iba, sa kanila na hindi mo maku-kontrol. Dahil sa huli ikaw, ang iyong sarili ang kaya mong kuntrolin at hindi sila. Sa huli ikaw din naman ang pipili ng tama at mali.

Ang ugat ng iyong kinakaiinisan ay trigger ng baril. Ikaw ang daliring kakalabit sa kanila. Ipuputok ang bala ng pagkainis na hindi mo alam ay itinutok mo na pala sa iyong sarili. Ikaw ang sugatan sa ending.

Naaalala mo ba nang sabihin mong “Huwag niya akong pinasasakay, baka sakyan ko ang trip niya, agawin ko ang manibela, patatakbuhin ko nang mabilis at ibabangga, sa huli siya ang duguan at luhaan.” Nakalimutan mong kasama ka pa rin sa babangga. Kung duguan siya siguradong damay ka. Duguan ka din at sugatan.

Kung mapapansin mo, ito ay tungkol sa isyu ng “control”. Nanggagalaiti ka sa mga inaayawan mo dahil gusto mo silang patigilin. Hindi mo gusto ang pakiramdam ng hindi mo sila makontrol.

Dapat bago mo silang tangkaing kontrolin, ipaalala mo sa sarili na hindi ito madali. Katulad mo ay may sarili silang desisyon, katulad ng lahat sila ay malayang makapamili ng tama at mali. Ang pinili nila ay saktan ka, asarin ka, pintasan ka o anupaman, ang pinaka mainam na depensa mo ay ang pag-kontrol hindi sa kanila kundi sa iyong sarili.

Ika nga ni Bo Sanchez, “Impatience comes from your desire to control the things you cannot control.”

Ang pinaka-matalinong gawin dahil alam mo kung ano ang kaya mo at hindi, piliin mong kuntrolin ang sarili- na siguradong kayang-kaya mo at wala silang magagawa. Hindi rin nila kayang kontrolin ka.

Ang gusto mo ikaw ang in control sa sitwasyong kinalalagyan mo, nagagalit ka dahil sa tingin mo ay sila ang nakaka-kontrol sa sitwasyon. Hindi mo napapansin pumayag kang sila ang kumuntrol nang magsimula kang magpadala, sumakay sa trip nila. Nang magsimula kang magalit, magpaapekto, at maging bayolente.

Dapat dahil mokong ka, alam mo kung paanong harapin ang mga mokong na ‘yan. Nasa iyong kamay ang iyong kamukongan.

Featured post

Lipad

Lipad

Dear self

Nang ibato na niya ang tanong hinggil sa panawagan ng kampanya, hindi mo iyon tiningnan nang masama.  Bagamat inaasahan mo na may magtatanong nito, ay nailagay ka pa rin sa alanganin nang hindi pala naihanda ang sagot.

Nakakailan na ngang ideya ang nasimulan o masasabing napangunahan ng ating opisina.  Madalas katulad ng inaasahan ay hindi mo mapi-please lahat.  Para sa akin, sukatan ito kung magpa-fly ika nga ang isang ideya.

Kung may hindi sasang-ayon, mayroon namang bigay todo, kumbinsido, at siguradong-sigurado sa pagyakap sa ideyang mimumungkahi mo.

Ang mahalaga rin ay malinaw sa iyo ang layunin, target at mensaheng ibig mong paliparin.

Lilipad ang ideya, hindi mo ito mapipigilan—hangga’t may naniniwala, may kikilos at may magpupursige sa pagpapaliwanag.

Mas maraming ulo at pananaw na magsasama, magbabangga at magpapaligsahan, ayos at mainam basta ang layunin ay malinaw—ang pagbutihin, mas mapainam ang nasimulang ideya at inisyatiba.

Naniniwala ako sa isang palasak na sabi-sabi — “Basta sama-sama, Kayang-kaya!”

 

———

Ang mga nakaraang araw ay punong-puno ng pamumuna. Bagamat sa bahagi mo, positibo naman ang motibo ay bigla mong naitanong, “hindi naman kaya sobra na?”

Sobra na kapag walang nangyayari. Kapag ang pinupuna ay hindi nagbabago. Hindi bukas sa puna.

Malapit-lapit sa pagkauyam.  Kapag hindi nakikinig ang pinupuna, nagsasawa ka rin sa pagtatangkang mabago ang pinatutungkulan, gayundin nagsasawa ka sa negatibong pakiramdam na idinudulot nito sa iyong sarili.

Masusubok ang pinagsasabi hinggil sa “Team-Work”—Sa pagbubuo ng team, kailangang may maiaambag ang bawat isang kasama rito.  Ngunit kung ang ambag ay hindi na positibo para sa layunin, nagiging “difficult person” na ika nga, nagiging balakid para sa team, kailangang papasukin mo na ang paniniwala hinggil sa kung paano i-handle at pakitunguhan ang kasamahang ito.

Magagawa mo ito kung pupunahin mo rin ang sarili bilang pambalanse.  We are perfectly imperfect.

uling

——

Upang i-inspire ang sarili mo sa buong Linggong nakakapagod, inisip mong sa anumang liit ngunit may pagtitiyaga at pagsisigasig pasasaan ba’t makakamit ang hangad. Mainam ito sa kampanya, maaaring hindi man ngayon at gad-agad, ngunit sa tuloy-tuloy, walang humpay na pagkilos pasasaan ba’t magtatagumpay din tayo.

Sa kabilang banda marami na ang mga mokong na hindi nagsisikap at nagsisigasig dahil sa mga basurang pamamaraan sa pagkamit sa hangad, kayang-kaya na short-cut ba. E bumababaw na ang maraming ilog dahil sa basura ng korapsiyon at kasakiman.

Para sa mokong na katulad mo, masarap pa rin ang tagumpay na pinag-iisipan at pinaghihirapan.

ulan

 

 

Featured post

Take the #ItsNeverHardToBeGreen challenge!

Express your concern to the environment by recording a video of your talent and dedicate it to the cause. Then challenge three (3) of your friends to do the same.

 

Upload your video to your facebook account together with the sentences below.

 

“I am sharing my talent to inform and inspire people to act for the right to environment.” I challenge ______________, ___________________, and ___________________ to share yours. Take the #ItsNeverHardToBeGreen challenge!

 

via Take the #ItsNeverHardToBeGreen challenge!.

Featured post

Kalma sa Mahal na Araw

Hindi ako “practicing Christian o Catholic” ngunit ngayong mahal na araw na ito ay sasamantalahin ko ang mahaba-habang bakasyon upang makapagmuni-muni.  Sa iba, panahon daw ito ng repleksiyon. Sa relihiyoso, linggo ito ng pagninilay. Para sa ‘kin panahon ito ng pananahimik at pag-iisip. Kalma.

Ika’tlong araw na ngang tanghali na kung gumigising. Halos pinagsasabay ang lunch at snacks sa hapon. Mag-aalas nuebe ng gabi kung maghapunan.  Mag-uumaga na kung matulog matapos ang panunuod ng dvds.

Bukod kasi sa pagpapakita itong may laya ang aking oras, dahil sa kahit kailan ko gustuhin o piliing magutom ay nagagawa ko, ay pagsasamantala ko ito sa pagkakataong iba sa pang-araw-araw na paghahabol sa oras, pagmamadali, pag-aalala atbp.

Hindi ang 12:00 ang magsasabing magtanghalian na ako- kailangang magtanghalian na ko. O kaya ang 1:30 na kailangang may tinatrabaho o dapat nang magtrabaho.

Kung ano ang bakasyon para sa king depinisyon?– ito ay ang kawalan ng pagmamadali, isang umaatikabong pagri-relax. Isang kalayaan sa tiktok ng orasan. Alisin mo ito ay anupa’t nagbakasyon ka.

Para sa ‘kin, kailangan ito ng lahat ng tao. Walang makapagsasabi na hindi nangangailangan ng pahinga.  Sa walong oras na pagtatrabaho sa isang araw na dapat ay apat lamang kung pagbabatayan ang isang makataong pagtrato sa mga manggagawa o empleyado.

Na dapat ay marami pa siyang magagawa sa iba pang mga oras bukod sa paghahanapbuhay. Dahil ang tao ay nangangailangan din ng mga aktibidad na kaniyang pinili para sa self improvement, development o pag-unlad at kasama dito ang pagkakaron ng sapat na pahinga.

Kung paanong ang mga bata ay dapat na may oras para maglaro at matulog upang lumaki agad ayon sa matatanda, ganun din naman tayong mga adult.

Kaya pag naumay sa panunuod ng TV, laro naman sa laptop at cellphone ang inaatupag o ‘di kaya ay ang pag-i-stalk sa mga fb ng mga taong kaaya-aya sa paningin. Ang sarap nang magagawa mo ang gusto mong gawin sa oras mo.

Para sa akin sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang depresyon na kadalasan ay pinalala ng stress. Mga stress na dinudulot ng sobrang pagtatrabaho ngunit parang wala namang patutunguhan. Parang wala namang pag-unlad na naidudulot sa buhay. Na parang kahit anong sipag ang gawin mo ay matatagalan ka,mahihirapan, sa madalas ay mabibigo na makuha ang pangarap na buhay.

Bagamat hindi katulad ng regular na trabaho ang NGO work. Dito ay may relatibong kaluwagan, hindi ka pagagalawin ng sahod, ngunit ganun pa din, ginagamit ang 8 hour work bilang batayan ng propesyunalismo at regulasyon. Hindi negatibo, ngunit sa bandang huli ay makakaranas ka pa rin ng kapaguran, pagkabagot o pagkauyam at ika nga ng iba ay mas matinding stress. Ang pambalanse o bawi ng isang NGO work, nagagawa mo ang adbokasiyang gusto mo.

Naiugnay ko din ito sa pagpapakamatay ng isang kaibigan.  Sa ganitong kaso, walang ibang paliwanag akong naiisip at naririnig din naman sa iba, kun’di isang depresyon ang dahilan.  Kung paano at bakit mo kikitlin ang sariling buhay? Kung hindi dahil sa pagka-depress sa buhay at sa mga stress na hindi na kayanin ng isip at katawan.

Kung paniniwalaan ko ito ay lalong pinatitibay lamang ang basehan na dapat ay nabibigyan ng pagkakataon ang tao upang makapagpahinga sa gitna ng magulo, laging nagmamadali at nakakapagod na araw-araw na buhay.

Ang pagkapagod, sa ganang akin lamang ay hindi lang pisikal. Mas matindi ang pagod na hindi mo malalaman kung saan nagmumula. Pagod na gahibla ang pagitan sa pagkabagot, pagkaburyong.

Ika nga sa isang inspirational author, nagmumula ang pagkabalisa o kawalan ng pasensiya sa labis na paghahangad ng isang tao na makontrol ang mga bagay na mahihirapan siyang makontrol. Ang resulta ay pagkainis, pagkabagot o negatibong pakiramdam-pagkagalit.

At ang susi upang makalma ka ay ang pagpapaubaya. Ika pa nga ng marami ay “bahala na” mula sa salitang “Bathala Na” o Diyos na ang bahala.

Hindi sasang-ayon ang mga tulad nating naniniwala na dapat ang lahat ay planado.

Napag-isip-isip ko na dapat ay balansiyado. Magkatingbang. Planado o bahagi ng iyong plano na kung minsan mas magandang magpadala sa agos. Hindi man sa Diyos kung hindi ka naniniwala, ay sa ibang mga bagay, ikaw ang pipili, depende sa iyong gusto.

Hindi ko ugaling mag-drama o magpaka-senti, pero ito pala ang dahilan kung bakit nakakaakit sa ‘kin ang tabing dagat.  Maraming lakad na excited ako kapag ang venue ay malapit sa dagat. Bagamat hindi naman ako lalangoy kapag nanduon na, ngunit palagi ko itong gustong nakikita, natatanaw.

Dito ko din naisip na lahat ng pagkuha ng larawan at pag-upload sa social networking sites ng mga tao ay hindi simpleng pagyayabang. Ang pag-selfie ay patok dahil naibibigay nito ang maaring kalayaan sa  pagpapahayag ng pahingang kanilang nahihita mula sa mga senaryong masasaya, magaganda o kaya naman ay nakakuha ng kanilang interes na ibinabahagi sa iba na parang kuwento. Parang sa gagawin ko sa post na ito.

Jpeg

Jpeg

Jpeg

Cantilan, Surigao Del Sur

 

 

Jpeg

Jpeg

Ang problema, hindi ito pinahihintulutan ng Sistema. Walang oras ang mga manggagawa, magsasaka para tumigil sa paghahanapbuhay.  Dahil bukod sa wala na ngang sapat na perang inilalaan sa mga gastusin para mabuhay ay wala ring oras dahil malaking bahagi ng kanilang buong araw, lingo, buwan, taon ay inilalaan sa pagkilos para sa kakapiranggot na kita. Malaking luho ang pahinga.

Ang pahinga na aking tinutukoy ay lagpas pa sa mga leave na ibinibigay sa mga manggagawa. Lagpas sa pahingang pisikal. Ito ay ang pahinga ng pagkatao.  Ang pagpapahinga mula sa pagmamala-robot o makina na pagtrato. Ang pahinga na kung aking tatawagin ay Kalma.

Hindi pangmatagalan… dahil sa panahon ng kalma ay panahon ng pag-iisip at paghahanda sa muling pagharap sa mabilis, nagmamadali, kontroladong buhay ng isang tao.

Featured post

Kalma

Kalma

Sino nga ba ang hindi nakakaramdam ng panghihina, pagkasawa o mas malala pa ay pagkabagot sa buhay? Kahit nga ang katulad natin o mas tamang sabihing mas lalo nga siguro ang mga katulad nating palaging ang hinaharap sa araw-araw ay mga isyu ng tao o ‘di kaya naman ay problemang panlipunan. OA maaaring ituring ng iba, pero hindi nga ba’t ang mga tulad natin ay tao lamang.

Sa gitna ng mabilis na takbo ng maraming bagay sa buhay, nangangailangan ng panahong huminahon, kung kailangan nga ay sandaling huminto, kung baga pa sa sasakyan ay mag-minor. Sa busy-busyhan na buhay ay kailangang ng outlet.

Naisip ko nga kaya pala ako umiinom madalas. Parang pagtakas pero panandalian lamang. Parang pagpapahinga upang maghandang muli sa pagharap sa kinabukasang gawain.

Nitong nakaraang lingo nga, mula sa bagamat hindi nakakapagod na “presentation” sa isang imbitasyong pag-pupulong sa Surigao Del Sur, hinggil sa isang batas na isinusulong ng grupo at sa kampanya o mga plano hinggil dito ay isinisingit naming ang pagkuha ng mga larawan.

Salamat sa teknolohiya ng mga gadyet at nagagamit ng mga tulad kong feeling photographer. Kung ituring ng iba ay pagda-drama. Pero sa mga kuhang tulad nito ay napapanatag ang aking loob.

Jpeg

Sa ganitong tanawin ay ipinapaalala ko sa aking sarili na palaging may ganda pa rin naman ang buhay sa kabila ng mga katotohanang pangit na nauunawaan at nakamulatan ng mga katulad ko.

Ang pagpu-post ng ganitong mga larawan ay pagpapahinahon upang muling magsikhay. May mga lugar pa talagang simple ang pamumuhay, hindi palaging nagmamadali.

Ang probinsiya parang eksena sa mga pelikula.

Kalma.

 

Featured post

Bawas angas din pag may time

Bawas angas din pag may time

It’s Mokong’s #TeamWorkFriday

 

Bagamat ang usaping teamwork ay palasak na’t hindi na bago, marami pa rin ang nakakalimot sa sarili at nag-aastang “I am the center of the universe.” ‘Yun bang tipong wala nang iba, ikaw na! Nagsisimula sa pag-aastang “Akin ito.” At ang ibang tao ay sabit lang. Nauuna ang asersiyon at sobrang elib o paniniwala sa sarili kaya naman hindi matanggap na siya ay maaring magkamali. Kaaway ni “TeamWork” ang “Self righteous.”

Self centered “Hindi magtatagumpay ang Gawain kung ‘di dahil sa kaniya.” Pinagagalaw ang mga kagrupo hindi bilang team, kundi bilang mga galamay, tauhan, minions. Leadership na hindi lapat. Karamihan sa nagkakamali rito ay ‘yung mga lutang na pamumuno at walang mandato o batayan, “self proclaimed.”

Kung bibigyan ng jacket ang mga ito, siguradong pagpapawisan sa dami ng jacket na matatanggap. Bigyan ng jacket ‘yan!!!!!!!!

Subukan mong ilista ang mga pangalan ng mga taong iniidolo mo dahil sa tagumpay nila sa kanikanilang larangan. May taglay nga silang husay at galing, ngunit mayroon bang nagtagumpay na mag-isa?

Mokong says, “Mas maraming mapagtatagumpayan sa pagtutulungan kaysa pag-aangasan.”

Featured post

10 Human Rights Issues ng 2014 –No. 9 Kalikasan at karapatang pantao

10 Human Rights Issues ng 2014 –No. 9 Kalikasan at karapatang pantao

hugatree-photo-by-pmpi

“man’s environment, the natural and the man-made, are essential to his well-being and to the enjoyment of basic human rights–even the right to life itself.” UN

Bilang pagpapatuloy ng ating Mokong year-ender wrap up mula sa nakaraang post na https://mokongperspektib.wordpress.com/2014/12/26/10-human-rights-issues-ng-2014-no-10-climate-justice-campaign-yolanda-rehabilitation-etc/ , pumunta naman tayo sa ika-9 na pwesto para sa pinaka-tinangkilik na kampanya ng mga mambabasa ng HRonlinePH.com para sa taong 2014, ang “#HUGATREE ON EARTH DAY 2014” ng Philippine Misereor Partnership, Inc. (PMPI).

Screengrab from KAISA UP Diliman FB page

Screengrab from KAISA UP Diliman FB page

“The idea is very simple. Supporters of the cause will just post online a picture of themselves hugging a tree. They could post it on Facebook, on their own blog, on Twitter, or wherever so long as it can be seen by the public online. To generate bandwagon effect and to monitor the success of the campaign, we will use the hashtag #HUGaTree.

It is optional for the poster to explain why he/she is participating in the campaign, why he/she chose a particular location or tree, or anything that could add hype to the campaign. It is highly encouraged that the members of our network explicitly connect their explanation to mining, sustainable agriculture or climate change.

April 20-22: Uploading of individual pictures in support of the campaign”

Ang pag-hits ng mga posts tungkol sa envi at HR ay manipestasyon nga kaya na sa “subconscious” ng mga mambabasa ay umiiral ang matinding pagpapahalaga sa kalikasan? Ito ba ay dinudulot lamang ng sunod-sunod na environmental disaster na dinadanas sa ating bansa? Kung ano paman, ang mahalaga ay naiuugnay na ang kalikasan at karapatang pantao.

Kung anupaman ang mahalaga ay wala namang nahigad sa mga nag-#HugATree. Wala nga ba?

Ang mga organisasyon at indibidwal na katulad ng PMPI ay nilalahukan na ng human rights based approach ang isyung pang-kalikasan.

Naalala ko tuloy ang ilang eksena sa “Lord of the Rings” na kung saan ay nagsikilos ang mga puno upang makipagdigma. Pati sa pelikula at online games, nandiyan nga rin ang plants vs. zombies.

Edel Garingan winner of 4th HR Pinduteros Choice Awards for HR Blogsite. Photo by Take back The Tech

Edel Garingan winner of 4th HR Pinduteros Choice Awards for HR Blogsite. Photo by Take back The Tech

Hit na hit nga ang envi-envi at hr nitong 2014 dahil sa katunayan ay tinanghal nga ding 4th HR Pinduteros Choice for HR Blogsite ay pag-aari ng isang environmental advocate, ang “Life according Edel o kuyaedel.wordpress.com” ni Edel Garingan.

Kapag hinalungkat mo nga ang site ni Edel ay makakabasa ka ng mga artikulo hinggil sa environment, human rights at climate change.

At pumangalawa naman sa most visited 10 HR Events ang may kaugnayan din sa kalikasan, ang “ GREEN REVOLT AGAINST GREED-SAVE MANILA SEEDLING BANK” ng Agaw Trip Komiks atbp. Dito naman ay ang kumbinasyon ng pagkundina sa pagkaganib sa kapital na dahilan upang palayasin ang “seedling bank” ayon nga sa kanilang post;

green-revolt-against-greed“Needless to say, what the gardeners of Manila Seedling Bank have done to us for the past 36 years is not only business or trade but service. The service they offer is by using their skill and knowledge by being stewards of nature–developing and defending her for the greater good of humanity.
However, nature’s stewards have been attacked by a bunch of greedy people who worship nothing but money. Ayala Land plans to spend P15 billion of its money to destroy nature and build moneymaking megastructures that would only cause unnecessary traffic, torrid heat, congestion, and flooding in North EDSA. And to add insult to injury, Mayor Herbert Bautista’s hired demolition men and cops looted the plants and merchandisers like hungry predators on the loose.”

Abangan ang marami pang susunod na post ng mga hit na isyung may kaugnayan sa kalikasan at karapatang pantao bilang bahagi ng ating mala-year-ender na posts, ngunit sa ika-walong puwesto, ay ang tungkol sa isang Political Prisoner na si Cocoy Tulawie ang susunod…

Ayon nga sa United Nations, “The experts recognized that respect for human rights is broadly accepted as a precondition for sustainable development, that environmental protection constitutes a precondition for the effective enjoyment of human rights protection, and that human rights and the environment are interdependent and interrelated.”

Featured post

4th HR Pinduteros Choice Awards winners, Pasasalamat atbp. HRonlinePH.com

4th HR Pinduteros Choice Awards winners, Pasasalamat atbp..

Pagkilala at Pasasalamat
sa lahat ng mga indibidwal at organisasyon na naging
bahagi ng matagumpay na 4th HR Pinduteros Choice Awards
ng HRONLINEPH.COM bilang pagbubukas ng isang lingong pagdiriwang ng
anibersdaryo ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao

Edel Garingan winner of 4th HR Pinduteros Choice Awards for HR Blogsite. Photo by Take back The Tech

Edel Garingan winner of 4th HR Pinduteros Choice Awards for HR Blogsite. Photo by Take back The Tech

Ika-1 ng Disyembre 2014, sa Conspiracy Bar and Garden Cafe, Quezon City.

Sa lahat po ng mga naging nominado at pinarangalan, ito po ay pagkilala sa iyong napakahalagang kontribusyon sa pagpapalaganap ng kultura ng karapatang pantao sa pamamagitan ng internet. Kayo po ang nagpapatunay na ang modernong teknolohiya ay magagamit para makapagmumulat, makapagbigay inspirasyon at makapagpakilos sa mga karaniwang mamamayan para sa tunay na pagbabago.

Ang mga nagwagi ng 4th Pinduteros Choice Awards:

Read full article @hronlineph.com

Featured post

10 Human Rights Issues ng 2014 –No. 10 Climate Justice Campaign, Yolanda, Rehabilitation etc.

10 Human Rights Issues ng 2014 –No. 10 Climate Justice Campaign, Yolanda, Rehabilitation etc.

Makikiuso lang ang inyong mokong na lingkod sa paglalabas ng mala-year-ender post. Sinubukan kong i-wrap-up ang mga kaganapan ng buong taon. Isang #Throwback series ng mga isyu ng nagdaang taon batay sa hits na tinanggap mula sa mga mambabasa ng HRonlinePH.com.

Nitong nakaraang ika-1 ng Disyembre ay pinarangalan ang mga pinakatinangkilik na kampanya na inilathala sa HRonlinePH.com sa pamamagitan ika-apat na “Human Rights Pinduteros Choice Awards” na ginanap sa Conspiracy Bar and Garden Café sa Quezon City.

Bagamat pinutakti ng napakaraming isyu ang 2014, ang ating pagtutuunan ng pansin ay ang 10 lamang na ang batayan ay ang hits na nakuha sa HRonlinePH.com stats ng wordpress. At tumatalakay sa human rights.

No.10- Climate Justice Campaign, Yolanda, Rehabilitation etc.

Hindi nakamove-on ang isang ito na nuong 2013 pa ay sing-init na ng bulkang Mayon na parang anumang oras ay puputok. Hustisya sa Klima-karapatang pantao.

teaser-light-up-copyNiyanig ang ating bansa ni Yolanda, kaya naman maging ang lahat ng isyu ay dumulo sa huling buwan ng 2013 sa panawagan para sa hustisya at tulong para sa laksa-laksang nabiktima.

Ang mga kasapi ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA), Amnesty International-Pilipinas (AI-Ph) at Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) at iba pang mga grupo ay naglunsad ng kampanya’t panawagan para sa Human Rights day 2013 na “ON HUMAN RIGHTS DAY, LIGHT UP 4 YOLANDA VICTIMS, LIGHT UP 4 RIGHTS.” Sa katunayan ay No. 10 ito sa ranking para sa kategoryang “HR Events” ng 4th HR Pinduteros Choice Awards.

Sino sa mga pinduteros ang makakalimot sa maramdaming presentasyon ni Philippine Climate Change representative Yeb Sano nuong November 2013 sa UN climate meeting sa Warsaw, Poland. Ang hindi napigilang pagluha ni Yeb ay bunsod ng pananalanta ng bagyong Yolanda (Typhoon Haiyan) dito sa ating bansa.

Parang bagyo ring rumagasa ang suporta sa panawagan ng maraming advocates na dapat ngang mabilisang umakto ang mga Gobyerno lalo na yaong mga malalaking Bansa sa ngalan ng hustisya sa klima.

westandwithyouKumalat ang kulay pulang bilog na may teksto sa gitna na- “We stand with you.” Ang ekspresyon ng pakikiisa sa adbokasiya at panawagan lalo na ng bansang Pilipinas.

Sa Pilipinas, pinangunahan ang kampaniya ng grupong PMCJ. No.10 ito sa ranking sa kategoryang “HR Campaigns”

 

 

Fast For The Climate

Sinundan ito ng isang panawagan para sa international solidarity fasting. Ayon sa Fast for climate website:

“Already, millions of people have lost their homes and their livelihoods as a result of climate change. Yet government action remains profoundly inadequate and fails to secure a safe and just future for all.

With climate change now rocketing back to the top of the political agenda, thousands of people from around the world have to decided to fast once a month to stand in solidarity with those already affected. We want to tell world leaders that they need to do more to solve this crisis. This should include committing to new action at the Climate Summit of the United Nations Secretary General Ban Ki- moon in September and stepping up to set in place a fair, ambitious and binding global climate action plan in Paris in 2015.

Join us to add your voice to those demanding action from”

http://fastfortheclimate.org/en/

fastforclimate

Marami ang nahipo ng kinalagayan ng mga biktima ng bagyong Yolanda. Naglabasan ang mga bidyo ng panawagan. Ginamit ang social media upang abutin ang nakararami. Nais ding katukin ang mga pusong bato ng mga ganid at umasa ang marami na magigising ang lahat sa katotohanan na hindi na isang banta ang trahedyang dulot ng nagbabagong klima.

No.1 sa ranking sa kategoryang “HR Videos” ang ”SOS PHILIPPINES” – THE SONG AFTER THE STORM! Ni ARMAND TJ.


Sinundan ito ng pumangalawa sa ranking na “WE ARE THE WORLD (COVER BY FILIPINO ARTISTS)” ni CHAMBERLAIN P. GUEVARRA


Ika-Pito naman sa walong pinakamaraming hits na videos sa HRonlinePH.com ang “FILIPINO YOUTUBE SINGERS UNITE FOR TYPHOON RELIEF (“THE PRAYER” FOR THE PHILIPPINES). ng GREEN MANGO

Bagamat hindi sa baha ay lumutang at naglabasan nga ang iba’t ibang kabayanihan ng mga Pilipino. Sa katunayan, marami sa mga Non-Governmental Organizations ang maagap na umaksiyon at naglunsad ng kani-kanilang aktibidad upang makapangalap ng tulong. Ang isa sa mga grupong ito ay ang DAKILA-Collective for Modern Heroism.

bayanihan-republicNo.4 para sa sampung pinakatinangkilik na post sa kategoryang “HR events” ang “BAYANIHAN REPUBLIC- FOR THE BENEFIT OF TYPHOON YOLANDA SURVIVORS. BY DAKILA”

Tama at positibo ang mga kabayanihang tulad nito. Ngunit senyales ang mga ito ng kakulangan ng Gobyerno upang tugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta. Na nangailangan pa ng mga pribadong grupo na umaksiyon dahil kung hindi ay kaawa-awa naman ang mga biktima.

Tumanggap ng pula ang mga kabalintunaan at kakulangan ng mga ahensiya ng pamahalaan. Nalantad ang mga ganid na inuuna pa ang kita kaysa kapakanan ng mga nangangailangan. Habang maraming pulitiko ang namulitika at inuna ang pagpapapogi.

Hindi pa man nakakabangon ang mga nasalanta ay binatbat pa rin sila ng mga isyu. Tulad na lamang ng ipinahihiwatig ng larawang nahagip ng kamera ni Larry Pascua ng SANLAKS na “MR. PRESIDENT DON’T STOP THE RELIEF OPERATION UNTIL IT’S OVER.” Ikatlo ito sa mga naging nominado para sa kategoryang “HR Photos”.

balangiga-eastern-samar-dec-21-2013-photo-by-larry-pascua

Sadya ngang mainit ang isyu ng klima. Sa katunayan ika-apat sa pinaka-binasang “HR Pinduteros Post” sa HRonlinePH.com ang artikulo ni Denise Fontanilla ng Aksiyon Klima ang “BROWN WATER, BLACK SAND: MACARTHUR, LEYTE’S STRUGGLE AGAINST MINING, YOLANDA, AND CLIMATE CHANGE.”

DeniseAyon kay Denise, “But as Filipino climate advocates like me follow the United Nations climate conferences and continue to push for a progressive global deal in 2015, we also challenge our own government to truly practice what it preaches. It must better integrate disaster risk reduction and climate change adaptation in national- and local-level planning. And it must follow the true path to sustainable development by instituting policy reforms not only in energy but also in mining and land use in general. This might seem as a grand wish list, but as Filipinos await the next typhoon with dread, we cannot afford to do anything less.”

Marami pang kaganapan ng 2014 higgil sa Climate Justice, sadya ngang ang isyung ito ay tahasan nang nararamdaman ng marami, kaya nag spill-over ang isyung ito mula sa 2013 hanggang 2014, at siguradong magpapatuloy at lalagpas pa ng 2015 dahil sa patuloy na pagdurusa ng mga nasalanta sa kamay ng pagpapabaya at pagkaganid ng mga may kapangyarihan.

Ika nga ng UN OHCHR;

Climate change is a global threat to human rights, UN experts warn States involved in climate negotiations

GENEVA (17 October 2014) – Climate change interferes with the enjoyment of human rights recognised and protected by international law, said a group of United Nations independent experts in an open letter* to all Governments involved in the current round of climate negotiations.

The human rights expert calls comes ahead of next week’s meeting in Bonn (20-25 October) of the Ad Hoc Working Group on the Durban Platform for Enhanced Action, to discuss the application of the Climate Change Convention principles, as well as measures for mitigation of, and adaptation to the impacts of climate change.

“We call on the State Parties to include language in the 2015 climate agreement that provides that the Parties shall, in all climate change related actions, respect, protect, promote, and fulfil human rights for all. And we urge the State Parties at COP 20 in Lima to launch a work program to ensure that human rights are integrated into all aspects of climate actions,” they stated.

“We urge the State Parties to the UN Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) to recognise the adverse effects of climate change on the enjoyment of human rights, and to adopt urgent and ambitious mitigation and adaptation to prevent further harm,” they said.

– See more at: http://www.ohchr.org/EN/NewsEvents/Pages/DisplayNews.aspx?NewsID=15181&LangID=E#sthash.pUCJopZG.dpuf

Sa susunod na post abangan, Sa ika-9 na pwesto ng 10 Human Rights Issues ng 2014- Kalikasan at karapatang pantao

Featured post

Nang silay walain

OLYMPUS DIGITAL CAMERAAng minsang pagkawala ay naging madalas na paghahanap
Ang bilang na isa ay tumutumbas sa milya-milya
Ang ngayon ay nagiging magpakailanman
Ang iyo ay akin ang kaniya ay sa lahat

Ang pag-aalala ay nagiging pangmatagalan
Ang pagluha ay pagtangis ay pagpalahaw
Sa isang iglap ay libong pag-apuhap
Sa pagsisintir na papunta sa pag-igpaw

Ang buo wasakin man ay pagkatao pa rin
Ang wasak naman subukang buuin ay gayun din
Kabilang sa hinanap, kabilang sa winala
Ngunit lalagi silang nasa kuwento at sa kwenta

Pangalan may burahin, buto may dikdikin
Takot noon ay tatapang ngayon
dahil ang simula ay lalaging may dulo
Ngunit ang mga winala, walang tapos, walang ending

Walain sila’y hinding-hindi kakayanin
Ang saysay nila ay magsasalin-salin
Ang kirot ng walang kasiguraduhan ay sasanayin ng mithiin
Ang lunas ay hahanapin, hanggang solusyon ay naisin
Dahil lalaging sila ay ako, kami, tayo
Nang sila’y iwala, tayo ay nagkita, sasama, tutungo sa paglaya.

Note: Ang tulang ito ay nilikha at binasa bilang pakikiisa sa mga Desaparecidos o mga biktima ng sapilitang pangwawala.

Featured post

Nung isang gabi ka pa…

Photo by Mokong PerspektibMay 14, 2014 2:44am

Nung isang gabi ka pa gumugulo

Sa isip kong pagal na’t hapo

‘di makasingit ang mga pag-idlip

‘di makahirit ang mga panaginip

 

Nung ‘sang gabi ka pa dumating

isang libong oras ka nang naglalagi

‘di makasiksik ang mga pahinga

Sa naglulumikot mong ala-ala

 

Nung ‘sang gabi ka pa nagsumiksik

Sa bakante kong silid isipan

‘di manalo ang pananahimik

Mga patlang sa diwa’y pinagsasaan

 

Ilang gabi ka nang naghahari

Mga saglit ko’y kinikiliti

Binubulabog ang pananahimik

Ginigising ng yong mga hagikgik

Featured post

Ligaya

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Ligaya

Isang kapirasong ngiti ay kayang tumunaw

Ano pa kaya ang hagikgik na dinig at tanaw

Isang libong halakhak at tawang pahiyaw

Isang milyong saya papalis sa ‘king uhaw

 

Isang kapirasong sulyap na ibinato sa ‘kin

Ano pa kaya ang pagbati sa pagpapapansin

Isang libong pagtingin at pagtitig na may diin

Isang milyong langit ang kayang liparin

 

Isang kapirasong halik idampi sa labi

Ano pa kaya kung yakap ang isukli

Isang libong yapos na ‘di nagmamadali

Isang milyong oras ng pagkakiliti

 

Isang kapirasong pansin na ipagkait

Ano pa kaya ang paglisan, sadyang mapait

Isang libong pag-iwan ang magpapaulit-ulit

Isang milyong taon mang sa isa’t-isa’y nawaglit.

Featured post

Lutang

Lutang.

kape

Paggising ko pa lang alam ko na ang mga naghihintay na isyung haharapin.

Sinlawak ng karagatan, nakakalula samantalang simple lang naman. Ang kasimplehan ang siyang lumulula at kumukumplika o depende sa tumitingin. Depende sa kin.

Nandiyan ang kapatid ng imposibleng paglaya ng mga binilanggo ng mga may kapangyarihan.  Nandiyan ang kamag-anakan ng mga winawala ng mga bangis ng katotohanan.  Hindi rin pahuhuli ang mga pinsang ginutom at sinalat, winarak, inabusong dignidad.  Ang buong mag-anak ng katotohanang inaarok ng isang kuldit o grupo ng mga nagrereuniong problema ng lipunan.

Kung tutuusin, sa ganito nga ayaw mo nang magising pa.  Pero hindi ko kinakalimutan ang mga nagpapapagaang sa lahat ng ito na katulad mo.

Ang mga dahilan ng pagpahid ng muta upang malinaw na makakakita.  Ang mga dahilan ng pagmumumog upang magbitiw ng mababangong salita.  Ang mga dahilan ng paghahanda sa isang mayos na buhay at lipunan.

Na hindi mo lang alam ay simple kang timbang upang akoy patuloy na maglayag sa karagatang hindi ako maluloblob kailan man.  Ang kasimplehang ito ang magpapalutang sa mga nalulunod sa karagatang sinlaki ng problemang wala atang kalutasan.

Ikaw ang simpleng sa aki’y nagpapalutang sa pusod ng higanteng karagatan.

(Reposted from my old blog)

Featured post

Ang mga musmos sa killer Hi-Way

Ang mga musmos sa killer Hi-Way

Photo by Harold of Colegio de San Juan de Letran - Calamba

Photo by Harold of Colegio de San Juan de Letran – Calamba

Isang dalagitang may dalang batang babae na sa tantiya ko ay nasa dalawang taong gulang ang pumanhik sa dyip na aking sinasakyan.  Hindi na nga bago ang eksenang ganito.  Ngunit may kakaiba sa dalawang ito na umagaw ng aking pansin.

Makailang beses na akong nakasakay ng dyip na pinapanhik ng ilang mga kabataang namamalimos. Pero kakaiba ang dalawang ito.

Binabagtas ng biyaheng Cubao ang Hi-way ng Commonwealth.  Pagtapat sa Commonwealth market ay mabilis ang naging kilos ng dalagita na agad sumakay sa nakahintong dyip na aking kinalalagyan habang nag-aabang ng iba pang pasahero.

Sa pananamit at itsura ng dalagita ay hindi siya mukhang pulubi. ‘Di ko sana siya mapapansin ngunit pabalibag niyang inilapag ang bit-bit na batang babae. YYun bang akala mo ay gamit na mabigat.

Naisip ko na marahil ay nawalan ng balanse ang dalagita kaya nabitawan niya ang bata.  Agad na napakapit naman ang maliit na bata sa hita ng lalaking nasa may kaliwa ko.

Nagtawanan pa sila ng babae niyang kasama na siguro ay asawa ng lalaki.  Dahil nakakatuwang panatag na panatag ang bata sa pagkakasiksik sa pagitan ng kaniyang dalawang hita.  Ika nga hindi nangingilala ang bata. Sanay na na makakita ng ibang mga tao.

Habang umaandar ang sasakyan ay isa-isa nang inilapag ng dalagita ang mga lamog nang sobre sa ibabaw ng mga hita ng bawat pasahero. Tila wala siyang pakialam kung matumba man ang musmos na kapatid.  Napatingin ako sa ekspresyon ng mukha ng dalagita.  Nakasimangot ito.  Samantalang ang maliit na bata ay libang na libang na naglalaro sa pagpapalipat-lipat sa mga hita ng pasahero.

Namamalimos nga ang dalagita.  At ginagamit pa ang kaniyang maliit na kapatid sa pamamalimos ang agad kong naisip.

Sa halip na maawa ay inis ang aking naramdaman.  Agad kong nasisi ang mga magulang ng dalawang bata.  Kung bakit kinailangan pang magkaganito ng dalawang musmos.

Nagbigay naman ng barya ang ilang pasaherong naawa.  Samantalang ilan din sa amin ang hindi nagpadala na sa tingin ko ay magpapamihasa kung magtatagumpay ang mga bata sa ganitong gimik ng pagpapaawa sa amin.

Nang matapos niyang kuhain ang mga sobre. Ay patulak na pinabababa ng dalagita ang bata. Nang matapat sa akin ay hinawakan ko ito sa braso dahil sa pag-aalalang malaglag dahil papahinto pa lamang ang dyip na aming sinasakyan.

Astang yamot ang dalagita sa kapatid.  Nang tuluyan nang huminto ang dyip ay pumanaog na ito at inambaan ng palo ang maliit na bata.  Pagkakarga nya rito ay binitawan ko na rin ang braso ng maliit na bata.

Ilang saglit pa ay mabilis na silang nakalayo patungo sa susunod na dyip na lilimusan.

Haka-haka ng isa sa may edad nang babaeng pasahero, “Kay bata pa kasi ay nag-anak na.” Ayon naman sa isa, “Baka naman napulot lang niya ang bata, halata kasi hindi siya nag-aalala.”

Hindi ko naisip ‘yon.  Pero marami nga ang posibilidad.  Ang naglalaro sa isip ko noon, ano kaya ang dapat kong ginawa? Hindi nanaman ako nakapag-isip nang mabilis na aksyon.  Huli na at malayo na ang dyip naming patuloy pa rin sa paglalakbay.

Note:

The photo was an entry to TFDP’s “Tinamaan ka ng Lente 2011 HR Photo Contest”
Students’ Category
Title: Mama, saglit lang…
Karapatan ng bawat bata ang makapag laro at makapag libang. Isang maliit at simpleng karapatan na kadalasa’y naipag kakait pa.
Photo by Harold of Colegio de San Juan de Letran – Calamba

Featured post

Teamwork online

Teamwork online

“One is too small a number to achieve greatness.” –John C. Maxwell

Nagkita-kita ang ilang indibidwal mula sa iba’t-ibang NGOs nuong nakaraang October 8, 2013 sa Ceferina’s Restaurant sa may Matahimik St. sa Q.C. Ang laman ng huntahan, magkaron ng ‘updating’ hinggil sa kalalagayan ng “Anti-Cybercrime Law” na na-TRO sa tulak na din ng mga protesta hinggil sa ‘unconstitutionality’ ng nasabing batas. At ang presentasyon ng proyektong “3rd HR Pinduteros Choice Awards.”

Oct 8 HR Pinduteros meet small

Bahagi ito ng inisyatiba ng HRonlinePH.com hinggil sa pagtutulungan ng mga NGOs na gumagamit ng online bilang isang tool para sa promosyon at kampanya ng kani-kanilang adbokasiya sa karapatang pantao.

Marnie and Nica

Marnie and Nica

Sa maliit na ‘resources’ at sa malaking naitulong ng Foundation for Media Alternatives (FMA) ay inanyayahan ang mga indibidwal mula sa ilang HR NGOs at Peoples Org., siyempre hindi ‘invited’ ang mga NGOs ni Napoles na hindi rin naman namin matatagpuan kung sakaling magkamali kaming imbitahan at ‘di rin naman pupunta kasi siguradong gisado sila kung nagkataon.

May mga indibidwal din na bloggers ang inanyayahan, bagamat ang ilan ay hindi nakarating dahil sa ‘conflict’ sa skedyul. Ganunpaman ay mahigit sa 20 rin ang knakarating. Mabuti na lang at hindi na rin dumami dahil kundi ay lalaki ang bills sa restaurant.

Uminog ang pulong sa talakayan hinggil sa ‘Internet Freedom’. Ito kasi ang tema para sa 3rd HR Pinduteros Choice Awards.

“For the third time, Human Rights Online Philippines or HRonlinePH.com will give recognition to human rights defenders’ efforts to promote, assert and defend human rights by maximizing online platforms. This year the event will celebrate the assertion for freedom of expression and opinion online and offline with the theme “Internet Freedom… our rights, our choice, our voice.”

OLYMPUS DIGITAL CAMERAOLYMPUS DIGITAL CAMERA

Maliban sa mas maraming pagpapatawa at pangungulit, binigyang saysay ang talakayan ng mga panauhing tagapagtalakay na sina Nica ng FMA at Marnie ng PIFA. At katulad ng inaasahan ay ang masiglang pakikilahok ng mga nagsidalo.

“… we have seen a growing movement of people around the world who are advocating for change – for justice, equality, accountability of the powerful and respect for human rights. The Internet has often played key a role in such movements by enabling people to connect and exchange information instantly and by creating a sense of solidarity,” said UN Special Rapporteur on freedom of expression, Frank La Rue, when presenting his annual report to the UN General Assembly.

The Special Rapporteur reminded States that, as a general rule, they must ensure that everyone enjoys his or her right to freedom of opinion and expression by maintaining free flow of information on the Internet, and ensuring that the Internet is available, accessible and affordable to all. However, La Rue recognized that freedom of expression can be restricted in very exceptional cases in line with international human rights instruments.

Humantong ang talakayan at huntahan sa tanong na kailangan pa nga ba ang isang “Anti-Cyber Crime Law”?

Sa mga nagdaang “statements” ay sinabi na natin na ang RA10175 ay magagamit lamang laban sa karapatan ng mamamayan sa malayang pamamahayag. Pagtatangka ito na pigilan ang malayang paglalahad ng kritisismo sa anumang kapalpakan ng pamahalaan.

Ilang ulit nang sinabi… Karapatan ng mamamayan ang pagpapahayag ng diskuntento o pagtutol sa anumang polisiya ng pamahalaan. Hindi ba’t ang mamamayan ang “BOSS”?

Frank La Rue explaing the work of the UN human...

Frank La Rue explaing the work of the UN human rights comission regarding the internet, at a press briefing at the Foreign Ministry, Stockholm, Sweden (Photo credit: Wikipedia)

The UN Special Rapporteur on the promotion and protection of the right to freedom of opinion and expression Frank la Rue clarified that there is no need to introduce new standards regulating the freedom of expression on the Internet as all standards already exist, in particular in the article 19 of the International Covenant on Civil and Political Rights.

-On 29 February 2012, at the 19th session of United Nations (UN) Human Rights Council, a Panel on Freedom of Expression on the Internet
http://humanrightshouse.org/Articles/17693.html

Para sa aking pagkakaunawa, ang tagumpay ng social networking bilang medium ay dahil binibigyan nito ng lakas ang pagkakaisa ng mamamayan upang malayang magpalitan ng mga impormasyon at magpahayag. ‘Yan ang ikinatatakot ng mga kurap. Na ang diskuntento na “expressed online” ay tutungo sa “mobilization offline”. Hindi dapat matakot ang matino.

“The successful online campaign against the unconstitutional RA10175 or the Anti-Cybercrime Act of 2012 that temporarily stopped its actual implementation and the very recent August 26 #MillionPeopleMarch in Luneta, initiated online by netizens against the PDAF scam revealed the undeniable capacity of the Filipino people to assert its rights and the use of ONLINE MEDIA as a powerful tool. The power of the people that was manifested both online and offline in both instances had proven the world how true that Philippines indeed is the social networking capital of the world. Alongside, it exposes that the recurring and continuing threat of suppression of freedom of expression also holds true, thus the need to be on guard, more vigilant and assertive in defending for these freedoms.”

Tama, ang social networking o online platform ay magtatagumpay kung pahihigpitin natin ang ika nga ay online teamwork. Online Teamwork para sa karapatang pantao. Kaya ang ‘tag line’ ng HRonlinePH.com ay “Inform. Inspire. Mobilize.”

Ang karapatang pantao ay parehas – online man o offline. Back to basic tayo, ang social networking ay katulad ng anumang pagkilos ng mamamayan -online man o offline kailangan natin ng teamwork.