Tag Archives: Mokong Quotes

Sa isang iglap ako’y napatula

Sa isang iglap ako’y napatula
Naglambing ang mga letra ng katha
Kinilig ang tuldok, kuwit ay nagtangka
Pananong ay umastang padamdam
Sa kudlit ng pusong tila nabigla

Sa isang iglap nagdikit ang mga patlang
Ng mga panaguring sa simuno ay akala ko’y ikaw
Nangusap ang isip, sa payak na tambalan
Tangkang maglandi, makipagharutan
Ng mga ngiti sa pangangahulugan.

Sa isang iglap ako’y napasulat
Ng liham na singhaba ng kalungkutan
ikaw ang pamuhatan, ng muntikang kahangalan
Sa kuwentong walang singtamis ng pagpapanggap
bating panimulang, bating winakasan

Kaya naman sa isang iglap din ako’y napatula
Naghalo ang taludturan ng mga pang-uuyam
Ang langit ay sukat sa hinalang tugma
Astang pagwawangis, tayutay na labis
Akalang pagtatangi’y pagtutulad pala

sa pagsintang walang kapag-a-pag-asa…

Mokong greetings- Mokong krismas to all!

Mokong greetings para sa mga matiyagang nag-follow ng mga mokong posts ng inyong mokong na lingkod. Mokong krismas to all!

Relatibo ang kaligayahan. Magkakamag-anak ang saya, ang tuwa, ang galak ngunit maaaring iba-iba sila ng pinagmumulan depende sa nakadarama. #Feelgood this christmas!

 

mokong greetings copy