Monthly Archives: July 2012

State of the Mokong Address

State of the Mokong Address

Babala: ang inyong mababasa ay pawang mga opinyon lamang, kathang isip at katuwaan. Ang mapikon… Mokong nga e.

Maraming salamat po. Maupo ho tayong lahat.

Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga kagalang-galang na miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga pinuno ng pamahalaang lokal; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa kong nagseserbisyo sa taumbayan; at, siyempre, sa akin pong mga boss, magandang hapon po sa inyong lahat.

Mokong: Maraming salamat po. Maupo ho tayong lahat.

Walang tumalima, kasi wala naman palang nakatayo.

Mokong: Senate President Gusto ko Happy ka, haping-hapi ako sa ‘yo. Speaker Sonny “Cha-Cha” Belmonte, mga dating pangulong “Philippines 2000” at “Erap para sa mahirap”; ang ating mga His/Her Excellency sa diplomatic community, mga pork barrel recipient, mga human rights violators at sa aking pong mga boss, magandang hapon po sa inyong lahat.

Ito po ang aking ikatlong SONA, at parang kailan lang nang nagsimula tayong mangarap. Parang kailan lang nang sabay-sabay tayong nagpasyang tahakin ang tuwid na daan. Parang kailan lang nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa sistemang panlipunan.

Dalawang taon na ang nakalipas mula nang sinabi ninyo, “Sawa na kami sa korupsyon; sawa na kami sa kahirapan.” Oras na upang ibalik ang isang pamahalaang tunay na kakampi ng taumbayan.

Mokong: Ito po ang aking ikatlong SONA at wala pa rin akong balak maglabas ng National Human Rights Action Plan (NHRAP), at parang kailan lang nang sabay-sabay tayong nagpasyang tahakin ang tuwid na daang para lamang sa iilan. Parang kailan lang nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa sistemang panlipunan.

Dalawang taon na ang nakalipas nang sinabi ninyo, “Sawa na kami sa korupsiyon; sawa na kami sa kahirapan.”
Taong kamukongan: (sumingit) Mokong highness sinabi rin po namin, sawa na kami sa Impunity!

Mokong: Oras na upang ibalik ang isang pamahalaang kakampi ng taumbayan.

Taong Kamukongan: Bakit san ka pupunta? Are you going to resign and let the kamukongan people reign?

Gaya ng marami sa inyo, namulat ako sa panggigipit ng makapangyarihan. Labindalawang-taong gulang po ako nang idineklara ang Batas Militar. Bumaliktad ang aming mundo: Pitong taon at pitong buwang ipiniit ang aking ama; tatlong taong napilitang mangibang-bansa ang aking pamilya; naging saksi ako sa pagdurusa ng marami dahil sa diktadurya. Dito napanday ang aking prinsipyo: Kung may inaagrabyado’t ninanakawan ng karapatan, siya ang kakampihan ko. Kung may abusadong mapang-api, siya ang lalabanan ko. Kung may makita akong mali sa sistema, tungkulin kong itama ito.

Mokong: Gaya ng marami sa inyo, namulat ako sa panggigipit ng makapangyarihan. Labindalawang-taong gulang po ako nang idineklara ang Batas Militar. Bumaliktad ang aming mundo: Pitong taon at pitong buwang ipiniit ang aking ama kaya hindi ako nagpapalaya ng political prisoners ngayon; tatlong taong napilitang mangibang-bansa ang aking pamilya kaya wala akong banggit ngayon hinggil sa OFW; naging saksi ako sa pagdurusa ng marami dahil sa diktadurya kaya hindi naipasa ang Compensation for all victims of Martial Law. Dito napanday ang aking prinsipyo: Kung may inaagrabyado’t ninanakawan ng karapatan, siya ang kakampihan ko kaya nga wala akong NHRAP. Kung may abusadong mapang-api, siya ang lalabanan ko kaya wala pang napaparusahan na human rights violators. Kung may makita akong mali sa sistema, tungkulin kong itama ito kaya nga may impunity.

Matagal nang tapos ang Batas Militar. Tinanong tayo noon, “Kung hindi tayo, sino pa?” at “Kung hindi ngayon, kailan pa?” Ang nagkakaisang tugon natin: tayo at ngayon na. Ang demokrasyang ninakaw gamit ang paniniil at karahasan, nabawi natin sa mapayapang paraan; matagumpay nating pinag-alab ang liwanag mula sa pinakamadilim na kabanata ng ating kasaysayan.

Ngunit huwag po nating kalimutan ang pinag-ugatan ng Batas Militar: Kinasangkapan ng diktador ang Saligang Batas upang manatili sa kapangyarihan. At hanggang ngayon, tuloy pa rin ang banggaan sa pagitan ng gusto ng sistemang parehas, laban sa mga nagnanais magpatuloy ng panlalamang.

Mokong: Matagal nang tapos ang Batas Militar kaya matagal nang walang hustisya sa mga biktima. Tinanong tayo noon, “Kung hindi tayo, sino pa?” at “Kung hindi ngayon, kailan pa?” kalian pa maipapasa ang batas para sa kumpensasyon? Ang nagkakaisang tugon natin: tayo at ngayon na. Ang demokrasyang ninakaw gamit ang paniniil at karahasan, nabawi natin sa mapayapang paraan; matagumpay nating pinag-alab ang liwanag mula sa pinakamadilim na kabanata ng ating kasaysayan, kaya naman nakabalik na ang mga Marcos sa mahahalagang pusisyon sa gobyerno.

Ngunit huwag po nating kalimutan ang pinag-ugatan ng Batas Militar: Kinasangkapan ng diktador ang Saligang Batas upang manatili sa kapangyarihan at kasama pa noon ang ilang nasa senado at kongreso natin ngayon, hulaan niyo nga kung sinu-sino. At hanggang ngayon, tuloy pa rin ang banggaan sa pagitan ng gusto ng sistemang parehas, laban sa mga nagnanais magpatuloy ng panlalamang.

Hanggang dito muna. Abangan itutuloy…

Advertisements

No National Human Rights Action Plan, the 3rd time

Source: PAHRA Fb.

 

Sa ikatlong pagkakataon ay haharap si P-Noy sa bayan sa pamamagitan ng kaniyang State of the Nation Address (SONA) sa ika-23 ng Hulyo. Sa ikatlong pagkakataon ay wala pa rin sa kaniyang prayoridad ang pagpapahalaga sa isang National Human Rights Action Plan o Human Rights Agenda. Nangangahulugang wala nanamang magiging banggit hinggil sa anumang plano upang mailatag ang isang roadmap na nagbibigay importansiya sa pagtupad ng kaniyang administrasyon sa obligasyon ng pamahalaan sa karapatang pantao.

Ang kahalagahan ng isang deklaradong NHRAP mula sa pamahalaan ay nakaugat sa rekomendasyon ng UN Human Rights Council Universal Periodic Review nuong pang unang round nito na muling binanggit sa ikalawang round nitong nakaraang buwan lamang sa Geneva.

Mahalaga ring maglabas ng NHRAP ang pamahalaan upang magsilbing pinaka-giya, polisiya o roadmap sa pagsasakatuparan ng proteksiyon at promosyon ng karapatang pantao ng mamamayang Pilipino.

Masasabi nating dapat lamanin nito ang mga batayang karapatang pantao, mula sa ESCR hanggang sa CPR.

Naihanda ang NHRAP nuong panahon ni PGMA at nabinbin sa panahon ni P-Noy, naghihintay sa kaniyang approval.

Remember.Inform.Inspire. Like and Share #rememberML@40

On the 40th Anniversary of the declaration of Martial Law, let us push for the ‘Compensation Act’ for all victims of human rights violations of the Marcoses,

JOIN us in our pledge to remember, inform and inspire the youth with the truth and lessons that our nation learned from this dark period of our history.

I pledge to…

Never Again to Martial Law!
We remember, we inform, we inspire
Our youth with the truth and lessons of Martial Law.
#rememberML@40

and Invite people to…
1. Like and share the “Remember ML@40” FB pagehttps://www.facebook.com/rememberMLatl40
2. Invite/recruit 40 or more others to like “Remember ML@40” FB page and ask them to recruit 40 more
3. Submit and/or post own “Pinky Pledge Photo” and ask others to do the same
4. Like and share all posts from “Remember ML@40” FB page
5. Participate in the “Online action day”
6. Change profile pic on September 21, 2012

[Isyung HR] Mokong is back and I am for #rememberML@40

Isyung HR is here again. Pasensiya na na-busy lang o nag-busy-busyhan lang. Four months din akong nabakante sa kamokongan. Sorry sa iisang avid follower at sa laksalaksang hindi pa nakakabasa ng blog na ito.

I would like to start blogging kamokongan again.  Pero let me start with a serious support para sa isang campaign online.  It’s called #rememberML@40 online and offline education-information campaign about the truth that our nation learned from the lessons of Martial Law.

The campaign is in line with the up-coming 40th Anniversary commemoration ng declaration of ML by then President Marcos in September 21, 1972.  I was not born yet but I was conceived under this situation.  O ha.  Hindi ako Martial Law baby, ako ay martial law fetus pa during that dark years of our history.

The campaign aims to collect pledges and likes sa Facebook Page.  Targeting 40k likes, combining online and offline activities, nilalayon nitong ma-popularize ang ML sa consciousness ng mamamayang kamokongan. The call is to remember, inform and inspire the people especially the youth, na sinasabi ng marami na hindi na aware sa anumang nangyari noon. Siyempre by informing and inspiring the youth about the heroism and martyrdom of the generation that fought and struggled against tyranny.

Objective nitong wag masayang ang pinaghirapan ng maraming bayani na nagbuwis ng buhay nuon.  Tapatan ang ilang mga mokong sa pagtatangkang baluktutin ang kasaysayan.  Maibigay ang nararapat na hustisya sa mga biktima sa pamamagitan ng pagsusulong ng compensation act for victims of ML at pagkilala sa mga kwento ng mga biktima ng tortyur, sapilitang pangwawala, pagpatay, pagkulong at iba pa.

I would like to invite you (oo ikaw na nag-iisang nagbabasa ng blog na ito), join us na NOW na!

On the 40th Anniversary of the declaration of Martial Law, let us push for the ‘Compensation Act’ for all victims of human rights violations of the Marcoses,

JOIN us in our pledge to remember, inform and inspire the youth with the truth and lessons that our nation learned from this dark period of our history.

I pledge to say…

Never Again to Martial Law!
We remember, we inform, we inspire
Our youth with the truth and lessons of Martial Law.
#rememberML@40

and Invite people to…

1.            Like and share the “Remember ML@40” FB page https://www.facebook.com/rememberMLatl40

2.            Invite/recruit 40 or more others to like “Remember ML@40” FB page and ask them to recruit 40 more

3.            Submit and/or post own “Pinky Pledge Photo” and ask others to do the same

4.            Like and share all posts from “Remember ML@40” FB page

5.            Participate in the “Online action day”

6.            Change profile pic on September 21, 2012

Ok? Gets…

Mokong of the world unite… Like and Share na! send in yout Pinky Pledge Photos!