Tag Archives: Mokong

The Rise of Super Mokong

The Rise of Super Mokong

From among the mokongs of the world, he will rise…

 

SM copy“Basta para sa amin mabuti kang tao…” isang pangungusap mula sa isang kaibigan na agad dumurog sa lahat ng masasakit na paninirang naririnig niya mula sa matatabil ang dila. Silang mga Lolit Solis sa mundo na iniikutan niya, mga taong kung may katumbas na pera ang panlilibak ay siguradong nilagpasan na ang pinakamayaman sa bansa ng mga mokong, silang mga kuwan… na kung ang kayabangan ay katumbas ng boto ay siguradong panalo na sa pagka-presidente. Kung baligtad ang kasabihan na ang mayayabang ang kinukuha ni Lord, ay mapupuno ang langit at mag-ooverload ang listahan ni San Pedro at sila nga ang mangunguna.

Madali ngang nagpadala sa pakana ang ating bida. Hindi na nga niya napansin na siya mismo ay bumuga na rin ng maaanghang na salita, samantalang hindi naman siya mahilig sa masiling pagkain. Singbaho na ng imburnal ang kaniyang bibig, samantalang maalaga naman sa pagsesepilyo. Kaya pala siya ay nabubulok narin at umaalingasaw na sa pagkahumaling sa inis at mababahong salita. Unti-unti na siyang nagbabago.

May mga super powers ang mga nilalang na ito. Kaya nagmimistulang salpukan ng mga karakter sa DC o kaya ay sa komiks ang eksena. Kaniya-kaniyang gamit ng powers upang mapabagsak ang iba.

Sinu-sino nga ba ang mga matatabil ang dilang ito na kinaya siyang patalunin sa kanilang patibong?

Ang isa ay itago natin sa pangalang Julian Walang Caharian.  Si Julian Walang Caharian ay nagkalat sa paligid.  Isang villain na astang superhero, may lantad na powers sa lahat at hindi nangingimi. Ang kapangyarihan niya mismo ang kaniyang kahinaan. Dinadaan sa ingay ang pagyayabang, daldal ang kaniyang ultimate weapon at sa pagdu-drawing siya expert. Siya ang tipong mangunguna upang umaangat sa iba. Siya ang tulad ng kung bumangka sa usapan ay gumagamit ng invisible boat na maaring nahiram kay Wonder woman.

Nandiyan din si Isay Walang Saysay.  Ang kapangyarihan niya ay hatakin ka sa walang kasaysayang mga bagay. Pahihinain ka niya sa pamamagitan ng pagpapanggap na katangahan. Gumagamit din siya ng ganda at karismang hungkag. Ang nais niya ay mawalan ka ng kwenta upang matulad ka sa kaniya. Walang powers na makalipad ngunit mahusay magpasakay sa kaniyang motorsiklong inarbor kay Bat Girl.

Isa pa ay si Elsang Walang Himala. Isa siyang banshee na bingi.  Sa lakas ng kapangyarihan niya ay kinaya niyang mabingi maging ang sarili.  Katulad ni Julian Walang Caharian, sila ay dumidepensa sa pamamagitan ng powers ng astang hindi naman kayang panindigan. Madalas din bumangka sa pamamagitan ng invisible boat ngunit nagmamala-Isay Walang Saysay sa katangahan. Sa katunayan siya na lang ang hindi nakakaalam na sila ay magkamaganak ni Isay.

Super Mokong copyMarami pang nakilala si Mokong sa kaniyang adventure. Ang walang kuwentang kuwentong ito ay tungkol sa maaksiyong pagtatagpo at kung paano niyang sinubukang gapiin ang mga mokong na villain na ito.

“Basta para sa amin mabuti kang tao…” umalingawngaw ito sa bao ng ulo ni Mokong habang nag-iisip ng pangontra sa nakatakdang pakikipagsapalaran at pakikidigma niya sa mga tulad nila, Julian Walang Caharian-ang hari ng sablay, Isay Walang Saysay-ang reyna ng pagtatangatangahan at Elsang Walang Himala-ang bansheeng bingengot.

Abangan ang kasunod…

 

‘Pag may nagsarang pinto…

pinto copy

 

Marami nga ang kapag napagsarahan ng pinto ay tumitigil na.  Nakukulong sa lungkot. Nalulugmok sa pagdurusa.  Ngunit ayon nga sa kasabihan… sa bawat pintong magsasara ay may mga bintanang magbubukas.  Magtataka ka nga lang kasi ikaw lang ang tao sa sala… sino ngayon ang nagbubukas at nagsasara ng mga pinto at bintana? mag-isip-isip ka. Baka minumulto ka na. Atleast hindi ka nag-iisa. hahahaha!