Tag Archives: PNoy

No National Human Rights Action Plan, the 3rd time

Source: PAHRA Fb.

 

Sa ikatlong pagkakataon ay haharap si P-Noy sa bayan sa pamamagitan ng kaniyang State of the Nation Address (SONA) sa ika-23 ng Hulyo. Sa ikatlong pagkakataon ay wala pa rin sa kaniyang prayoridad ang pagpapahalaga sa isang National Human Rights Action Plan o Human Rights Agenda. Nangangahulugang wala nanamang magiging banggit hinggil sa anumang plano upang mailatag ang isang roadmap na nagbibigay importansiya sa pagtupad ng kaniyang administrasyon sa obligasyon ng pamahalaan sa karapatang pantao.

Ang kahalagahan ng isang deklaradong NHRAP mula sa pamahalaan ay nakaugat sa rekomendasyon ng UN Human Rights Council Universal Periodic Review nuong pang unang round nito na muling binanggit sa ikalawang round nitong nakaraang buwan lamang sa Geneva.

Mahalaga ring maglabas ng NHRAP ang pamahalaan upang magsilbing pinaka-giya, polisiya o roadmap sa pagsasakatuparan ng proteksiyon at promosyon ng karapatang pantao ng mamamayang Pilipino.

Masasabi nating dapat lamanin nito ang mga batayang karapatang pantao, mula sa ESCR hanggang sa CPR.

Naihanda ang NHRAP nuong panahon ni PGMA at nabinbin sa panahon ni P-Noy, naghihintay sa kaniyang approval.

Advertisements

Mokong Banat and Pick-up lines 2011

Usong uso ang pamatay na pick-up lines nitong 2011.  Kaya naman sumubok ang ilang mga Mokong at Mokang to draft their own bilang pamaskong handog…eto ang Mokong banat and pick-up lines, one more time…

Mokang: (to Palparan) Lakwatsero ka ba?
Palparan: Bakit? Kasi hanggang sa panaginip mo nakakarating ako.
Mokang: Hindi. Hindi ka kasi mahuli-huli e.

Rights groups: (to Palparan) Sana ulan ka at lupa na lang ako.
Palparan: Bakit? Para kahit gaano kalakas ang patak ko, sa iyo pa rin ang bagsak ko? Hehehe.
Rights groups: Hindi. Para kahit makatakas ka at makalipad, sa kin pa rin ang bagsak mo at nang mapakulong kita. Hehehe!

Palparan: Hindi naman ako tubig. Pero bakit sila uhaw sa ‘kin?
Mokong: Hindi kami uhaw sa ‘yo. Uhaw kami sa hustisya!

Mokong: (to PNoy)May kakambal ka ba?
PNoy: Wala. Bakit? Kasi I’m in your heart, yet I’m in your mind.
Mokong: Buti na lang wala kang kakambal. Hahaha!

Biktima ng Sendong: (to illegal loggers) Maghanda ka na ng salbabida…
Illegal loggers: Kasi lulunurin mo ako sa pagmamahal mo.
Biktima ng Sendong: Hindi. Lulunurin kita sa baha!

Biktima: (to all greedy businessmen) Bagyo ka ba?
Greedy: Bakit?
Biktima: Kasi the moment you left my area of responsibility,
You leave my life in the state of calamity

Mokang: (to PNoy) Tuwid na daan ka ba?
PNoy: Oo naman. Kaya nga diretso tayo sa pag-unlad at pagbabago.
Mokang: Oo nga tuwid na daan na may flash flood ng problema.

PALEA: (to Lucio Tan) Para kang tindero ng sigarilyo…
Lucio Tan: Bakit? I give you “HOPE”
PALEA: Hindi. You are our misFORTUNE

Biktima ng HRVs: (to GMA) Lumiliit ka yata?
GMA: Bakit? Dati kasi lampas ulo mo ko, ngayon nasa puso mo na ko?
Biktima: Hindi. Dati hindi ka maikulong, ngayon ang dali mong pagkasyahin sa kulungan.

And the Boy pick-up award goes to…

extracted from FB

Ano pa nga ba, e talbog ang PNoy banat sa explosive na pick-up at taray lines ni Senator Miriam Santiago sa isang forum tungkol sa RH Bill sa University of the Philippines. Pinatunayan nanaman ni Madam na newsmaker talaga siya. What comes out from her mouth will surely land sa headlines.

“Sana cardiologist ka na lang, para ikaw ang mag-aalaga sa puso ko.”

Hindi ko alam ang katapusan ng universe, pero alam ko ang simula: U N I.”

“When someone told me ‘Ang ganda mo.’ I told her, ‘Sana ikaw rin.”

“Maglaro tayo ng kahit ano, huwag lang taguan. Kasi someone like you is hard to find.”

Ang tindi ng hits ng video uploaded sa Youtube na umabot na sa hundred thousands. Even the news articles online ay shared and recommended sa FB at twitter in a very tremendous number of times. She indeed never failed to amuse the public.

Tinanong natin ang ilan sa mga nakapanood ng kanyang celebrated at patok sa takilyang pick-up lines at eto ang reaksiyong nasagap ng ating mokong survey:

“Ang galling-galing blockbuster talaga! Uulit-ulitin mong panoorin!”

“Kilig ako sa kanya! Ang ganda-ganda ni Miriam! Sana ako din!”

“I love you Miriam! We want more!”

“Best comedian! Pinagsamang Aiai at Eugene!”

“Astig! She rocks!”

“Tabon na tabon ang RH Bill!”

Continue reading

The Mokong survey: from zero to max

Have you heard or seen the AD, nakisakay na rin ang Pepsi sa mokong na banat ni PNoy? Regarding his love life that he compared to Coke Zero.

Pepsi released a FULL PAGE print ad with the tagline “Lovelife? Go from zero to MAX”

Bilang pagpapatuloy ng ating katuwaan, we went to the street, the mall, churches, beaches and gimmick places, and asked an almost the same question to ordinary people. We converted the mokong banat into a mokong survey and here are their responses…

We approached Ligaya, the main character in Rosanna Roces starrer film in the 90s “Ligaya ang itawag mo sa akin” and we asked her. “Kamusta lovelife Ligaya?” she answered with grace “Eto magang-maga.”

It was such a mokong banat Ligaya! Hahaha!

As we continue our kamokongan.  We went to a group of jeepney drivers and asked them, “Kamusta po ang lovelife?” they answered, “Dati basta driver sweet lover, naging barya lang sa umaga, ngayon barya na lang araw-araw.”

Hindi pa nagkasya namataan namin ang isang pormadong binata.  We found out that he is working as a mechanic in Philippine Airlines. We asked him, “Kamusta naman ang lovelife?” He answered, “Dati regular, naging contractual na, ngayon ma-si-zero pa.”

Narinig pala ng isang passersby ang aming usapan.  He introduced himself as a resident of an Urban Poor. He told us that he wanted to share his answer to us. “Ok kamusta lovelife mo?” he answered, “Dati squatter, naging illegal settler, ngayon homeless na. maiisip pa ba naming ang lovelife?”

We decided to proceed with our Mokong survey to the senate and we asked one senator, “Sir kamusta po ang lovelife?” he looked at us annoyed and he answered, “Huwag niyo akong pangunahan!”

Napikon yata namin kaya naman we decided to go to the lower house instead.  We chanced upon a young congress woman, we asked, “kamusta po ang lovelife?” she answered, “Huwag niyong dalhin dito ang pagiging brat niyo!”

More Mokong survey to come…

The Mokong Banat: kamusta love life mo?

The Mokong Banat: kamusta love life mo?

After PNoy disclosed during his speech before the Filipino Community in Beijing that he was asked about his most sought after lovelife, “May nagtanong ho kasi sa akin e—sabi niya, ‘Kumusta lovelife mo?’ Kaya ang sabi ko po sa kanya, ‘A, parang Coca-Cola.’ So sabi ngayon ng tao, ‘Hindi ko yata maintindihan.’ Kako, ‘Coca-Cola, ‘nung araw regular, naging light, ngayon zero,” we received some unsolicited answers from other ka-Mokongs on the same question.  And it goes…

“Ang lovelife ko parang beer,” as another former president said, “noong araw lights, naging pale, ngayon superdry.”

The pagalingan ng “banat” hit us like storm, more former presidents also sent their own versions, “Ang lovelife ko parang damit, noon RTW, naging eloys, ngayon ukay-ukay na,”

May mga sumingit pang mga presidentiables din naman.

“Ang lovelife ko parang DVD, may original at may pirated,”

“Ang lovelife ko parang pelikula, ang iba Rated PG, may rated R, madalas for adults only,”

“Ang lovelife ko parang lumalaki, dating small, naging medium, ngayon large na siya,”

“Ang lovelife ko parang wine, the older the better.”

More “banats” to “Kamusta lovelife mo?” question to come… abangan