Category Archives: Photos

Kalma

Kalma

Sino nga ba ang hindi nakakaramdam ng panghihina, pagkasawa o mas malala pa ay pagkabagot sa buhay? Kahit nga ang katulad natin o mas tamang sabihing mas lalo nga siguro ang mga katulad nating palaging ang hinaharap sa araw-araw ay mga isyu ng tao o ‘di kaya naman ay problemang panlipunan. OA maaaring ituring ng iba, pero hindi nga ba’t ang mga tulad natin ay tao lamang.

Sa gitna ng mabilis na takbo ng maraming bagay sa buhay, nangangailangan ng panahong huminahon, kung kailangan nga ay sandaling huminto, kung baga pa sa sasakyan ay mag-minor. Sa busy-busyhan na buhay ay kailangang ng outlet.

Naisip ko nga kaya pala ako umiinom madalas. Parang pagtakas pero panandalian lamang. Parang pagpapahinga upang maghandang muli sa pagharap sa kinabukasang gawain.

Nitong nakaraang lingo nga, mula sa bagamat hindi nakakapagod na “presentation” sa isang imbitasyong pag-pupulong sa Surigao Del Sur, hinggil sa isang batas na isinusulong ng grupo at sa kampanya o mga plano hinggil dito ay isinisingit naming ang pagkuha ng mga larawan.

Salamat sa teknolohiya ng mga gadyet at nagagamit ng mga tulad kong feeling photographer. Kung ituring ng iba ay pagda-drama. Pero sa mga kuhang tulad nito ay napapanatag ang aking loob.

Jpeg

Sa ganitong tanawin ay ipinapaalala ko sa aking sarili na palaging may ganda pa rin naman ang buhay sa kabila ng mga katotohanang pangit na nauunawaan at nakamulatan ng mga katulad ko.

Ang pagpu-post ng ganitong mga larawan ay pagpapahinahon upang muling magsikhay. May mga lugar pa talagang simple ang pamumuhay, hindi palaging nagmamadali.

Ang probinsiya parang eksena sa mga pelikula.

Kalma.

 

Advertisements

“Darkness cannot drive out darkness: only light can do that. Hate cannot drive out hate: only love can do that.”
Martin Luther King Jr.

This set was also posted in my FB account.  wala lang…

GEDSC DIGITAL CAMERA

 

“We can easily forgive a child who is afraid of the dark; the real tragedy of life is when men are afraid of the light.”
Plato

GEDSC DIGITAL CAMERA

 

“Light thinks it travels faster than anything but it is wrong. No matter how fast light travels, it finds the darkness has always got there first, and is waiting for it.”
Terry Pratchett, Reaper Man

GEDSC DIGITAL CAMERA

 

“There is a crack in everything.
That’s how the light gets in.”
Leonard Cohen, Selected Poems, 1956-1968

GEDSC DIGITAL CAMERA

 

“It’s hard to be a bright light in a dim world.”
― Gary Starta

GEDSC DIGITAL CAMERA

 

“How far that little candle throws his beams! So shines a good deed in a weary world.”
― William Shakespeare, The Merchant of Venice

Mag-Tree planting ay ‘di biro- one more time (the Sta. Ana, Cagayan Experience)

Pagkatapos ko sa isang walang katapusang pagbiyahe. 15 hours. Labinlimang oras ng pagsakit ng puwit sa pakikipaglaban ko sa salumpuwitan ng bus. Heto at napuno ang araw ko ng Setyembre 26 ng mga hindi makakalimutang pangyayari. Naburang lahat ang pagkainip sa biyahe. Napalitan ang lahat ng pagkainis sa hindi maayos na pagtulog. Nawow ako sa ganda ng Sierra Madre.

I was sent in Sta. Ana, the farthest town of Cagayan, by our office to join in the activity of the locals here organized by Sta. Ana Alliance for Social and Environmental Concern (SASEC).  Ang host ng visit ko (I was sent here to represent the Task Force Detainees of the Philippines) ay si Sister Minni ng Franciscan Apostolic Sisters. She’s the chairperson of SASEC.

The activity celebrated the adoption of the resolution by the Local Government proclaiming September 26 the Save Sierra Madre Day.  It was also SASEC’s contribution in the awareness building campaign about the effects of climate change and to encourage people to do their part in saving Sierra Madre mountain range so that the tragedy like what “Ondoy” did to us will not happen again.

I joined their “a long and widing road” at “bridge over troubled water” Alay Lakad and experienced another challenging tree planting, see for yourself. Using the camera of the office what you see is what you’ll get…

At 5:30 a.m. I thought it was just the sun rising…

Nagbabanta na pala ang isang pagbuhos…

Biglang nahawi ang ulap…

Climate change talaga.  Ang bubuhos pala ay mga bata…

Pati Matatanda…

Then when the group proceeded to Sierra Madre for the tree planting, bumuhos ang ulan…

Tree planting pag nasok sa puso nino man tatawirin ang lahat makapagtanim lamang…

More photos to come. To be continued…