Tag Archives: Overseas Filipino

State of the Mokong Address

State of the Mokong Address

Babala: ang inyong mababasa ay pawang mga opinyon lamang, kathang isip at katuwaan. Ang mapikon… Mokong nga e.

Maraming salamat po. Maupo ho tayong lahat.

Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga kagalang-galang na miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga pinuno ng pamahalaang lokal; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa kong nagseserbisyo sa taumbayan; at, siyempre, sa akin pong mga boss, magandang hapon po sa inyong lahat.

Mokong: Maraming salamat po. Maupo ho tayong lahat.

Walang tumalima, kasi wala naman palang nakatayo.

Mokong: Senate President Gusto ko Happy ka, haping-hapi ako sa ‘yo. Speaker Sonny “Cha-Cha” Belmonte, mga dating pangulong “Philippines 2000” at “Erap para sa mahirap”; ang ating mga His/Her Excellency sa diplomatic community, mga pork barrel recipient, mga human rights violators at sa aking pong mga boss, magandang hapon po sa inyong lahat.

Ito po ang aking ikatlong SONA, at parang kailan lang nang nagsimula tayong mangarap. Parang kailan lang nang sabay-sabay tayong nagpasyang tahakin ang tuwid na daan. Parang kailan lang nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa sistemang panlipunan.

Dalawang taon na ang nakalipas mula nang sinabi ninyo, “Sawa na kami sa korupsyon; sawa na kami sa kahirapan.” Oras na upang ibalik ang isang pamahalaang tunay na kakampi ng taumbayan.

Mokong: Ito po ang aking ikatlong SONA at wala pa rin akong balak maglabas ng National Human Rights Action Plan (NHRAP), at parang kailan lang nang sabay-sabay tayong nagpasyang tahakin ang tuwid na daang para lamang sa iilan. Parang kailan lang nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa sistemang panlipunan.

Dalawang taon na ang nakalipas nang sinabi ninyo, “Sawa na kami sa korupsiyon; sawa na kami sa kahirapan.”
Taong kamukongan: (sumingit) Mokong highness sinabi rin po namin, sawa na kami sa Impunity!

Mokong: Oras na upang ibalik ang isang pamahalaang kakampi ng taumbayan.

Taong Kamukongan: Bakit san ka pupunta? Are you going to resign and let the kamukongan people reign?

Gaya ng marami sa inyo, namulat ako sa panggigipit ng makapangyarihan. Labindalawang-taong gulang po ako nang idineklara ang Batas Militar. Bumaliktad ang aming mundo: Pitong taon at pitong buwang ipiniit ang aking ama; tatlong taong napilitang mangibang-bansa ang aking pamilya; naging saksi ako sa pagdurusa ng marami dahil sa diktadurya. Dito napanday ang aking prinsipyo: Kung may inaagrabyado’t ninanakawan ng karapatan, siya ang kakampihan ko. Kung may abusadong mapang-api, siya ang lalabanan ko. Kung may makita akong mali sa sistema, tungkulin kong itama ito.

Mokong: Gaya ng marami sa inyo, namulat ako sa panggigipit ng makapangyarihan. Labindalawang-taong gulang po ako nang idineklara ang Batas Militar. Bumaliktad ang aming mundo: Pitong taon at pitong buwang ipiniit ang aking ama kaya hindi ako nagpapalaya ng political prisoners ngayon; tatlong taong napilitang mangibang-bansa ang aking pamilya kaya wala akong banggit ngayon hinggil sa OFW; naging saksi ako sa pagdurusa ng marami dahil sa diktadurya kaya hindi naipasa ang Compensation for all victims of Martial Law. Dito napanday ang aking prinsipyo: Kung may inaagrabyado’t ninanakawan ng karapatan, siya ang kakampihan ko kaya nga wala akong NHRAP. Kung may abusadong mapang-api, siya ang lalabanan ko kaya wala pang napaparusahan na human rights violators. Kung may makita akong mali sa sistema, tungkulin kong itama ito kaya nga may impunity.

Matagal nang tapos ang Batas Militar. Tinanong tayo noon, “Kung hindi tayo, sino pa?” at “Kung hindi ngayon, kailan pa?” Ang nagkakaisang tugon natin: tayo at ngayon na. Ang demokrasyang ninakaw gamit ang paniniil at karahasan, nabawi natin sa mapayapang paraan; matagumpay nating pinag-alab ang liwanag mula sa pinakamadilim na kabanata ng ating kasaysayan.

Ngunit huwag po nating kalimutan ang pinag-ugatan ng Batas Militar: Kinasangkapan ng diktador ang Saligang Batas upang manatili sa kapangyarihan. At hanggang ngayon, tuloy pa rin ang banggaan sa pagitan ng gusto ng sistemang parehas, laban sa mga nagnanais magpatuloy ng panlalamang.

Mokong: Matagal nang tapos ang Batas Militar kaya matagal nang walang hustisya sa mga biktima. Tinanong tayo noon, “Kung hindi tayo, sino pa?” at “Kung hindi ngayon, kailan pa?” kalian pa maipapasa ang batas para sa kumpensasyon? Ang nagkakaisang tugon natin: tayo at ngayon na. Ang demokrasyang ninakaw gamit ang paniniil at karahasan, nabawi natin sa mapayapang paraan; matagumpay nating pinag-alab ang liwanag mula sa pinakamadilim na kabanata ng ating kasaysayan, kaya naman nakabalik na ang mga Marcos sa mahahalagang pusisyon sa gobyerno.

Ngunit huwag po nating kalimutan ang pinag-ugatan ng Batas Militar: Kinasangkapan ng diktador ang Saligang Batas upang manatili sa kapangyarihan at kasama pa noon ang ilang nasa senado at kongreso natin ngayon, hulaan niyo nga kung sinu-sino. At hanggang ngayon, tuloy pa rin ang banggaan sa pagitan ng gusto ng sistemang parehas, laban sa mga nagnanais magpatuloy ng panlalamang.

Hanggang dito muna. Abangan itutuloy…

Advertisements

Support Don-don Lanuza please visit http://www.helpdondon.com/

http://www.helpdondon.com/

A Mother’s Appeal

December 5, 2011

Mga Kababayan,

God’s blessings to you! This is a mother’s appeal for your compassion to help her win her son’s life and his freedom.

My name is Letty Lanuza, the mother of  Rodelio “Dondon” Lanuza, who is in prison in Saudi Arabia under a sentence of death by beheading (Lord, spare him!) since 2000.

Please believe me when I say that the death of a Saudi caused by my son was accidental.
Since 2000, my tears have flowed and my heart has been broken but my prayers to God are unceasing.

God has answered my prayers when in February 2011, through the effort of the Philippine Embassy in Riyadh and other Members of the Reconciliation Committee, the aggrieved family agreed to forgive Dondon.

However, as is the custom in Saudi Arabia, in exchange for Dondon’s life and freedom, they demanded  ”blood money.” As of this writing, our family had raised P570,000.

A group of big-hearted members of the Filipino business community in the Philippines led by Filipino American leader, Loida Nicolas Lewis, have offered to match your kind donation dollar for dollar.

We do not have the luxury of time. In less than three months (February 2012), it would be one year since they forgave and required the blood money equivalent. If by then we are not able to come up with an amount that will satisfy them, it may mean the withdrawal of their forgiveness and hasten the death of Dondon. (Lord, spare him!)

May I ask you to please open your hearts and help me to save the life of my son, an OFW who is unjustly imprisoned in Saudi Arabia. Your donation of $100 will be matched with another $100 by the group of Filipino Philanthropists led by Mrs. Lewis. We will be forever grateful for any amount that you can donate, which will likewise be matched dollar for dollar by them.

Donations may be sent through any of Metrobank’s overseas branches and international offices free of charge. For those who wish to send their donations through any of Metrobank’s remittance correspondents worldwide, the bank has agreed to waive all Metrobank related charges.

Please click here to begin sending your donations now. You can also help us by spreading the word about my son, and lifting up prayers for his immediate release.

Thank you so much, and may God reward your kindness!

Sincerely,

LETTY LANUZA

For inquiries, you can reach us via email at: lettycelestino@gmail.com (Letty Lanuza) or lewisloida@gmail.com (Loida Nicolas Lewis)

Video begging P-Noy to HELP Dondon Lanuza

This is actually an old video file about an appeal for Dondon Lanuza. An OFW in death Row in Saudi Arabia.

The video posted in youtube by

I’ll write something about this in my next posts. Please watch video…