Tag Archives: Pinoy

[Isyung HR] The right to “ Wha!” and the right to cover your ears!

ISYUNG HR: The right to “ Wha!” and the right to cover your ears!

Kahit hindi ka mahilig sa current events, kaya kang abutin ng bagong salitang pinasikat nanaman ni Sen. Meriam. “Wha!” ano nga ba ang ibig sabihin nito? Ano nga kaya ang pagkakaintindi ng madlang pipol dito? Let’s try this in a social experiment…

Hinggil ito sa pagtatakip ng tenga ni Private Prosecutor Lawyer Vitaliano Aguirre habang nagpupulandit ang laway ni Sen Meriam ng mga “Gago” etc.

The right to expression or freedom of expression… ito nga ba ang maaring idahilan ng magkabilang panig?

Mahirap naman daw pagpaliwanangin pa ang bawat isa. So let’s say walang pali-paliwanag, kanino ka kakampi sa dalawang ito? Kailangan pa bang imemorize ‘yan? Katuwaan lang po… pindutin na ‘yan!

SINO sa dalawa ang tama? Sen Meriam o Atty. Aguirre? Express your Wah or cover your ears..

https://www.facebook.com/pages/Human-Rights-Online-Philippines/160809923975269

Lucky color…GREED

Kung Hei Fat Choy! Happy Chinese New Year! Yes, I will join the band wagon of happy Chinese new year celebration greetings. Greetings lang naman can’t afford to join the buying of lucky charms and feng sui items for the celebration. Hehehe! And also, just can’t ignore the most talked about year of the water dragon and the good lucks and bad lucks that come with it.  It’s better than the “end of the world” paranoia.  Hahaha!

Usong-uso nanaman ang mga horoscope at feng shui. Lucky charms and tikoys.  Siyempre hindi naman ito bago sa ‘tin at hindi rin off para sa mga Pinoys.  Kung paanong tayo ay may halo-halong pamahiin at paniniwala na dinala sa atin ng mga sumakop na mga dayuhan kaya no wonder we adapt effortless.

Our mokong team invited a mokong expert to give us some mokong lucky and not so lucky tips for 2012 or the year of the water dragon and things to do to make kontra the malas. We are addressing these tips siyempre pa sa ating mga masusuwerteng business tycoons.

Here is our Mokong’s fearless HRScope…

According to this mokong expert this year is going to be a transformational life-changing year! It’s a good year to improve oneself, take calculated risks and to build wealth.  The year 2012 holds much promise and a major transition is in store for everyone. Whether it turns extremely good or really bad, depends on how a person rides the mighty dragon.

Mokong: Paano nga kaya sumakay sa isang dragon? Senator Judge Panday knows.

Hindi ba’t nang maimbento ata ang salitang swerte ay ang mga pulitikong ito ang agad na nakaalam at nakasalo. Akalain mong 2012 is a good year for them to improve… their wealth!

Good year din daw ang year na ito for business dragons like Lucio Tan and Henry Sy. But again, according to Chinese forecast, whether it turns extremely good or really bad, depends on how a person rides the mighty dragon.

Mokong: Maaring hindi man sila swerte pero alam naman nila ang pangontra sa malas.

Mokong na expert: Lucio Tan will attract luck because buwaya looks like a dragon.  But take extra caution on declaring na lugi negosyo, baka magkatotoo, don’t tell a lie, ‘wag mag-deny.  Para naman sa mga manggagawa ng PAL.  You may not be as lucky as Lucio Tan, but you are the mighty dragon in the forecast na, “…whether it turns extremely good or really bad, depends on how a person rides the mighty dragon.” Pahabol sa mga sasakay ng PAL, remember water dragon… baka sa water kayo pulutin.

Mokong: Buti na lang boycott ako sa PAL! Hehehe!

Mokong na expert: Henry Sy will see.  Gold from green equals GREED.  Cutting trees will bring you malas. Sige ka SM baguio will slide down the slope if trees will be cut.  Maswerte sayo ang kulay na gold, but the water dragon will send you water kung ipapuputol mo ang mga puno.

Mokong: Occupy!

Mokong na expert: Pahabol sa dalawang Chinese, what is common among the two? Besides being Chinese.

Mokong: Greed ba ‘yan?

Imagine playing Pinoy henyo. The secret word will be “GREED” and the contestants will be asking…

Contestant1: Hayop ba to?

Contestant2: Oo. Oo!

Contestant1: Sa hangin?

Contestant2: Pwede! Pwede!

Contestant1: Sa lupa?

Contestant2: Pwede! Pwede!

Contestant1: Lucio Tan! Henry Sy?

Contestant2: Oo! Oo!

Pero hindi pa titigil ang orasan…

Wunderground United by Dakila

Uploaded in youtube by on Nov 6, 2011

Support the bid of the Puerto Princesa Underground River to the New 7 Wonders of Nature. Text PPUR to 2861 or visit http://www.new7wonders.com/vote-2

For more information, check out Wunderground United on Facebook at http://www.facebook.com/WunderU or follow twitter.com/WunderUnited for updates.

Let’s show the world that Pinoy pride runs deep. Voting ends on November 10, 2011 and winners of the New 7 Wonders of Nature shall be announced on December 2011.

Can PiNoys compare HRVs to Coke?

Coca Cola Light Plus.

Image via Wikipedia

“May nagtanong ho kasi sa akin e—sabi niya, ‘Kumusta lovelife mo?’ Kaya ang sabi ko po sa kanya, ‘A, parang Coca-Cola.’ So sabi ngayon ng tao, ‘Hindi ko yata maintindihan.’ Kako, ‘Coca-Cola, ‘nung araw regular, naging light, ngayon zero,” Aquino said during his speech before the Filipino community in Beijing.

Tinalo nito ang mga sangkaterbang “HIRIT” o “TAG LINE”.

Sana someday when asked “Kamusta human rights violations sa inyo?” Pinoys would say “parang Coca-Cola. Nung araw regular, naging light, ngayon zero.”