Metro Mokong Film Festival
December 19, 2011 Isyung HR
Napuna lang ng mokong kong isip, pwede pala talagang magsama ang showbiz at pulitika. The world of politics is indeed a stage. Kaya naman kung magkakaroon ng Metro Mokong Film Festival, try mo to…
Illegal logging, sinisi ni Sec Paje ng DENR sa flashflood sa CDO.
Paano kung tanungin siya ng mga biktima nang ganito…
Biktima: “Once, Twice, Three times? Gaano kadalas ang ganitong trahedya?”
Sec. Raje: “I don’t know! I’ve lost track! Masyado nang madami.”
Original from the movie Gaano Kadalas ang Minsan?
Hilda Koronel: “Once, Twice, Three times? Gaano kadalas ang minsan?”
Dindo Fernando: “I don’t know! I’ve lost track!”
Mokong: At di ba sounds family? Let’s see…
Susan: “She stole the presidency not once, but twice!”
GMA: “I don’t know I’ve lost track! Hehehe.”
How about this line of Ms. Nora Aunor to Miguel Rodriguez in the movie “I Can’t Stop Loving You”
Nora: “Ito ang tandaan mo Jeffrey Carbonell, babalik ako sa itaas at pag nasa itaas na ako, duduraan kita!”
E kung ito ang linya sa isip ni GMA na sana ay ipupost niya sa FB o kaya sa twitter kaya lang hindi siya allowed to use any communications gadgets inside detention.
GMA: “Ito ang tandaan mo Leila, babalik ako sa itaas at pag nasa itaas na ako, duduraan kita!”
Leila: “Ganun ba. Bweno bawal ka na ring pumanhik sa bubong. And mabuti na lang hindi kita pinayagang makasakay ng eroplano dahil kung nagkataon baka makadura ka sa ere.”
E sa isang pelikula ni Sharon Cuneta, ito ang batuhan ng linya…
Chanda Romero: Hoy babae, hindi pa tayo tapos!
Sharon Cuneta: Kung saan, kailan, at sa paanong paraan. Magpasabi ka lang, hindi kita uurungan.
Now, imagine GMA telling this to De Lima…
GMA: “Hoy babae, hindi pa tayo tapos!”
De Lima: Kung saan, kailan, at sa paanong paraan. Magpasabi ka lang, hindi kita uurungan.
Mokong: O di ba firmed at consistent pa rin si DOJ Sec.
In the original Maricel Soriano to Snooky Serna heated scene in “Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin”
“Ikaw ang matalino! Ikaw ang maganda! Ikaw ang mahal ng itay! Malandi! Haliparot! Inagaw mo ang lahat sa akin! Lahaaaatt!!”
Kung ito ang mensahe ni SC Chief Justice Corona kay PNoy na ipapadeliver niya kay SC spokesperson Marquez? Pwede…
“Ikaw ang matalino! Ikaw ang maganda! Ikaw ang mahal ng itay! Malandi! Haliparot! Inagaw mo ang lahat sa akin! Lahaaaatt!!”
Pero kung si GMA ang magmemensahe nito, her spokesperson would deliver it more effective and convincing. D ba?
Naimagine ko rin na during ng arrest ni GMA ay katulad ng mga linyang ito ang banatan…
In the movie Butch Belgica:
Villain 1: (sumisigaw sa baba) – ” Bumaba ka dito Butch! Papatayin kita hayup ka! “
Butch: (kumakain sa 2nd floor) – ” Sandali lang! Kumakain pa ko! “
Katulad ng linya ni Maricel Soriano to Eddie Gutierez in “Ikaw Pa Lang Ang Minahal”
“Sa puso nanggagaling ang pagpapatawad, wala akong puso, nagmana ako sayo.”
Paano kaya kung GMA to FPJ in “Ikaw pala ang nahalal”
GMA: “I am sorry.”
FPJ: “Sa puso nanggagaling ang pagpapatawad, wala akong puso, nagmana ako sayo. And nakalimutan mo na ba, I’m dead.”
In a FPJ movie “Sa yo ang tondo, kanya ang cavite” he goes…
“Kung sa Cavite hinde ka nagsisimba. Sa Tondo, Pasisimba kitang may bulak sa ilong..” –
FPJ: “Kung sa Cavite hinde ka nagsisimba. Sa Veterans, Pasisimba kitang may bulak sa ilong..”
GMA: “Ganun ba. Buti na lang bawal ako kahit sa chapel. Hehehe!”
In a Lorna Tolentino and Alice Dixson movie “Nagbabagang Luha”
Alice: “Mamamatay ako, Ate, pag kinuha mo sa akin si Alex!”
Lorna: “Ipalilibing kita.”
Alice: “Ate, please!”
Lorna: “Nung inagaw mo sa ’kin si… muntik na rin akong mamatay. Puwes, ikaw naman ngayon ang mamatay!”
Paano kaya kung Erap and GMA movie ito? “Nagbabagang Muta”
GMA: “Mamamatay ako, Kuya, pag kinuha nila sa akin ang aking Freedom!”
ERAP: “Ipalilibing kita.”
GMA: “Kuya, please!”
ERAP: “Nung inagaw mo sa ’kin ang aking freedom… muntik na rin akong mamatay. Puwes, ikaw naman ngayon ang mamatay!”
Finally in a Rico Yan and Claudine Baretto movie “GOT TO BELIEVE”
RICO: “I NEVER REALLY BELIEVED IN FOREVER BUT I THINK I FOUND FOREVER WITH YOU.”
GMA version…
GMA: “I NEVER REALLY BELIEVED IN FOREVER BUT I THINK I FOUND FOREVER WITH YOU.” Addressing this to her detention.
Related articles
- Ikaw Lang Ang Mamahalin (entervrexworld.wordpress.com)
- Dingdong Dantes Reunites With Marian Rivera and Katrina Halili For ‘My Beloved’ (entervrexworld.wordpress.com)
- A resto scandal (twistedwitch.wordpress.com)
- – to my 3month old BABY PRINCE VIC KAI (yamyam28.wordpress.com)
- Erap’s Logic (rojan88.wordpress.com)
- nArDHanG pHoTeK (airamasiul.wordpress.com)
- 283-287.365 : apples, excuses and taking down notes (migzmigzmigz.wordpress.com)
- 283-287.365 : apples, excuses and taking down notes (migzmigzmigz.wordpress.com)
- “AYOKO KAY PNOY, PANOT SIYA!” – Francine Prieto (aliwanavenue.wordpress.com)