Tag Archives: Coca Cola

And the Boy pick-up award goes to…

extracted from FB

Ano pa nga ba, e talbog ang PNoy banat sa explosive na pick-up at taray lines ni Senator Miriam Santiago sa isang forum tungkol sa RH Bill sa University of the Philippines. Pinatunayan nanaman ni Madam na newsmaker talaga siya. What comes out from her mouth will surely land sa headlines.

“Sana cardiologist ka na lang, para ikaw ang mag-aalaga sa puso ko.”

Hindi ko alam ang katapusan ng universe, pero alam ko ang simula: U N I.”

“When someone told me ‘Ang ganda mo.’ I told her, ‘Sana ikaw rin.”

“Maglaro tayo ng kahit ano, huwag lang taguan. Kasi someone like you is hard to find.”

Ang tindi ng hits ng video uploaded sa Youtube na umabot na sa hundred thousands. Even the news articles online ay shared and recommended sa FB at twitter in a very tremendous number of times. She indeed never failed to amuse the public.

Tinanong natin ang ilan sa mga nakapanood ng kanyang celebrated at patok sa takilyang pick-up lines at eto ang reaksiyong nasagap ng ating mokong survey:

“Ang galling-galing blockbuster talaga! Uulit-ulitin mong panoorin!”

“Kilig ako sa kanya! Ang ganda-ganda ni Miriam! Sana ako din!”

“I love you Miriam! We want more!”

“Best comedian! Pinagsamang Aiai at Eugene!”

“Astig! She rocks!”

“Tabon na tabon ang RH Bill!”

Continue reading

Advertisements

The Mokong Banat: kamusta love life mo?

The Mokong Banat: kamusta love life mo?

After PNoy disclosed during his speech before the Filipino Community in Beijing that he was asked about his most sought after lovelife, “May nagtanong ho kasi sa akin e—sabi niya, ‘Kumusta lovelife mo?’ Kaya ang sabi ko po sa kanya, ‘A, parang Coca-Cola.’ So sabi ngayon ng tao, ‘Hindi ko yata maintindihan.’ Kako, ‘Coca-Cola, ‘nung araw regular, naging light, ngayon zero,” we received some unsolicited answers from other ka-Mokongs on the same question.  And it goes…

“Ang lovelife ko parang beer,” as another former president said, “noong araw lights, naging pale, ngayon superdry.”

The pagalingan ng “banat” hit us like storm, more former presidents also sent their own versions, “Ang lovelife ko parang damit, noon RTW, naging eloys, ngayon ukay-ukay na,”

May mga sumingit pang mga presidentiables din naman.

“Ang lovelife ko parang DVD, may original at may pirated,”

“Ang lovelife ko parang pelikula, ang iba Rated PG, may rated R, madalas for adults only,”

“Ang lovelife ko parang lumalaki, dating small, naging medium, ngayon large na siya,”

“Ang lovelife ko parang wine, the older the better.”

More “banats” to “Kamusta lovelife mo?” question to come… abangan

Can PiNoys compare HRVs to Coke?

Coca Cola Light Plus.

Image via Wikipedia

“May nagtanong ho kasi sa akin e—sabi niya, ‘Kumusta lovelife mo?’ Kaya ang sabi ko po sa kanya, ‘A, parang Coca-Cola.’ So sabi ngayon ng tao, ‘Hindi ko yata maintindihan.’ Kako, ‘Coca-Cola, ‘nung araw regular, naging light, ngayon zero,” Aquino said during his speech before the Filipino community in Beijing.

Tinalo nito ang mga sangkaterbang “HIRIT” o “TAG LINE”.

Sana someday when asked “Kamusta human rights violations sa inyo?” Pinoys would say “parang Coca-Cola. Nung araw regular, naging light, ngayon zero.”