Tag Archives: United Nations High Commissioner for Refugees

What if a famous tagline means something else?

Photo extracted from pinoyexpres.blogspot.com

Hindi ko alam kung bakit umiral ang kamokongan ko nang maisip ko ang tungkol sa topic na ito while watching Kris Aquino’s “NIDO” commercial.  Siguro, that is because of the news that the United Nations High Commission for Refugees (UNHCR) the Queen of All Media Kris Aquino as their goodwill ambassador for Asia.

Then I decided to look mokongly on some of the famous commercial taglines…

Kris: Can I crack the egg?

Mokong Analysis: suggestive na gusto daw niya(?) i-crack ang egg… nino? Alam ko yan! Alam ko yan!

Kris: you look at them when you say hello there…

Mokong analysis: this is supposed to sound like imposing or scolding kung iba siguro ang nagdeliver.  Siyempre Kris will always deliver it the way she did sounding sweet and appropriate and motherly.

What if si Lucio Tan ang nagsabi ng line na ito?

Lucio Tan: you look at them when you say hello there…

Di ba parang maiisip mo agad na ang “them” ay ang mga members ng FASAP habang katatanggap palang ng pagbaligtad ng decision ng korte hinggil sa reinstatement nila?

What if Senator Meriam or Lolit solis will deliver the same tagline… gets mo?

Para kanino ka bumabangon? Favorite ko to.  But if this will be delivered in a completely different setting baka hindi na effective…

Pulis: Para kanino ka bumabangon? (habang pinapaamin ang isang aktibista using toryur)

Let’s see, inilabas na ng kapuso ang kanilang “Kapusong Paskostation ID for the coming Christmas season.

Definitely hindi ito magiging pleasant kung ang makikita mong kumakanta ay ang mga  Ayalas.  Habang ang mga nanunuod ay ang mga taga-North Triangle urban poor community.

“Da best ang Pasko ng Pilipino” ang sa kapamilya station naman.  Napaisip tuloy ako kung kaya itong sabihin ng mga Pilipinong nawawalan ng trabaho dahil sa kontraktualisasyon.

Mahusay talaga ang mga taglines.  Tumatatak at madaling matandaan. Katulad din ng kayo ang boss ko na Tagline ni PNoy.

Baka naman “Kayo ang Boss ko…ngunit may ibang Amo naman ako.”

What if these taglines really meant something else? Or mokong lang talaga ako.