Tag Archives: SONA 2012

No National Human Rights Action Plan, the 3rd time

Source: PAHRA Fb.

 

Sa ikatlong pagkakataon ay haharap si P-Noy sa bayan sa pamamagitan ng kaniyang State of the Nation Address (SONA) sa ika-23 ng Hulyo. Sa ikatlong pagkakataon ay wala pa rin sa kaniyang prayoridad ang pagpapahalaga sa isang National Human Rights Action Plan o Human Rights Agenda. Nangangahulugang wala nanamang magiging banggit hinggil sa anumang plano upang mailatag ang isang roadmap na nagbibigay importansiya sa pagtupad ng kaniyang administrasyon sa obligasyon ng pamahalaan sa karapatang pantao.

Ang kahalagahan ng isang deklaradong NHRAP mula sa pamahalaan ay nakaugat sa rekomendasyon ng UN Human Rights Council Universal Periodic Review nuong pang unang round nito na muling binanggit sa ikalawang round nitong nakaraang buwan lamang sa Geneva.

Mahalaga ring maglabas ng NHRAP ang pamahalaan upang magsilbing pinaka-giya, polisiya o roadmap sa pagsasakatuparan ng proteksiyon at promosyon ng karapatang pantao ng mamamayang Pilipino.

Masasabi nating dapat lamanin nito ang mga batayang karapatang pantao, mula sa ESCR hanggang sa CPR.

Naihanda ang NHRAP nuong panahon ni PGMA at nabinbin sa panahon ni P-Noy, naghihintay sa kaniyang approval.

Advertisements