Tag Archives: GMA Network

Let’s define KANINA and UP-DOWN-UP-DOWN

Sa tagal na ako ay nakabalik heto ang naging salubong sa kin ng isang ka-mokang natin…

Photos extracted from Lipton Commercial

 

Mokong: Kamusta… kanina ka pa?

Mokang: Kanina… Let’s define kanina!

Mokong: Parang pamilyar…

Mokang: Kanina damo lang siya, ngayon puno na! Kanina naka-crew cut ako, ngayon pangshampoo commercial na. At higit sa lahat… BATA PA KO KANINA!!!

 

Ganito rin daw ang nangyari kay dating pangulong GMA. Nang matapos niyang maka-settle sa nilipatang silid sa Veterans Hospital, ito daw ang eksena…

Mike: Kamusta, kanina ka pa?

GMA: Kanina… lets define kanina! Kanina nasa St. Luke’s lang ako, ngayon wala na! kanina nakaalis na sana ako ng bansa, kung di dahil sa De Limang yan!  At higit sa lahat DATING PRESIDENTE PA AKO KANINA, NGAYON DETAINEE NA!

Heto pa…

Mokong: Doods What’s UP?

Mokong 2: UP? Ano ko elevator? Pindut dito Up siya, pindut dito down siya… Up down up down. Ano bang gusto mo pindutin ako? Mahirap maging Up pag marami kang work.  Siksikan sa MRT. Mataray ang boss ko. Lagi akong nauubusan ng pitsi-pitsi sa cafeteria.  Lagi akong kinakapkapan ng security guard kahit yung iba hindi naman. At higit sa lahat, LAGING NAGSESELOS ANG GF KO SA EX KO…

Ang nangyari daw nang minsang nagkasalubong si PNoy at miyembro ng PALEA.

PNoy: Doods What’s UP?

PALEA: UP? Ano ko eroplano? Tanggal dito Up si Lucio Tan, Tanggal doon down ang manggagawa… Up down up down. Ano bang gusto mo tanggalin kaming lahat? Mahirap maging Up pag wala ka nang work.  Mataas ang singil sa MRT. Si Lucio Tan ang boss ko. Lagi akong nauubusan ng pambili ng pitsi-pitsi sa cafeteria.  Lagi akong kinakapkapan ng security guard kahit yung iba hindi naman dahil PALEA member ako. At higit sa lahat, WALA NA KAMING PAMPASKO DAHIL SA KAWALANG PAKIALAM MO!

Hanggang dito na lang muna, hanggang sa uulitin. Siya nga pala inaanyayahan naming kayong suportahan ang HRonlinePH.com sa pamamagitan ng pagboto sa 2011 WikiPinoy of the year. Pls follow this link http://www.thepoc.net/breaking-news/breaking-stories/14255-vote-for-the-2011-wikipinoy-of-the-year.html